Jeremy G, may kanta para sa mga hirap umamin sa minamahal

Jeremy G

Hatid ng singer-songwriter na si Jeremy G ang kwento ng isang tao na nahihiyang umamin ng tunay na damdamin sa kanyang minamahal sa bagong kanta niyang BINI na mapapakinggan na simula Biyernes (March 24).

“Coming from the break-up anthem Sinayang Mo, I think that BINI will give listeners a new feel and different side of me, since this song is basically about falling for a girl but being too shy to tell her face to face,” saad ni Jeremy.

Isinulat ni Jeremy ang dance-pop single na ayon sa kanya ay base sa personal na karanasan.

Katulong niya ring sumulat nito sina ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at Star Pop label head Rox Santos.

Iniaalay naman niya ang bagong awitin para sa mga pinanghihinaan ng loob na ipaalam ang kanilang damdamin.

“I feel like my advice would just be to follow your heart. It may sound cliche but you never know when’s the next time that you’ll feel that feeling again. Be genuine and show them that you have genuine intentions,” ani Jeremy.

Unang nakilala si Jeremy nang sumali siya sa The Voice Teens Philippines season 1 kung saan naging grand finalist siya sa ilalim ng grupo ni Sharon Cuneta.

Inilabas naman niya ang kanyang unang single na Sa’Yo noong 2019 na tinanghal na Best R&B recording sa 33rd Awit Awards.

Nakipag-collaborate rin si Jeremy kasama si Kyle Echarri para sa awiting Kahit Na Masungit na nanalo bilang 2nd Best Song sa Himig Handog 11th Edition.

Noong 2022, iba’t ibang music at acting projects ang nagbukas para kay Jeremy. Nakapaglabas siya ng 13 singles kasama na ang kanyang debut EP na maybe forever at sinulat rin niya ang ilang soundtrack ng iba’t ibang serye pati na rin ang awiting My Time para sa Idol Philippines season 2 champion. Bumida rin siya bilang Stevie sa iWantTFC series na Lyric and Beat at siya mismo ang sumulat ng theme song nito kasama si Jonathan Manalo.

Pakinggan ang nakakakilig na mensahe ni Jeremy sa bagong single na BINI na available na simula Biyernes (March 24) sa iba’t ibang digital music platforms.

Show comments