Klea, tanggap na tanggap ng pamilya
Gusto ko ‘yung ginagawang pagtanggap ng isang tao kung sino at ano siya talaga.
Like ‘yung confession ni Klea Pineda na isa siyang gay, na meron siyang GF na babae.
Ang pinakamalalang pwede mong gawin sa buhay mo ay ‘yung itago mo kung ano ang nararamdaman mo at kung ano ang gusto mong gawin sa sarili mo.
Talagang dapat hangaan si Klea dahil hindi siya natakot sa kakahinatnan nang ginawa niya, instead mas inuna niya ang freedom na gusto niya para sa sarili niya.
Kaya nga siguro kahit saang anggulo mo tingnan ang ganda niya kasi nga wala siyang itinatago. Totoo siya sa sarili niya at sa lahat, kaya maganda ang aura niya, sincere ang smiles niya.
At gusto ko rin ‘yung suporta sa kanya ng pamilya niya, ‘yung pagtanggap sa kung sino siya.
Kahanga-hanga talaga at kailangang tularan ng ibang closet queens.
Be honest, be proud sa ‘yong sarili. Huwag itago ang totoong ikaw. Isigaw mo iyan sa buong mundo, ipagmalaki mo.
Huwag kang matakot, aminin mo, free yourself, at tatanggapin ka tiyak ng mundo.
Freddie Webb, mala-bodyguard ang mga alagang aso
One reason kung bakit nahilig ako sa dogs dahil nakita ko noon ‘yung big dogs ni Freddie Webb, basketball player / coach na nagbabantay noon sa baby nila na nasa bed.
Talagang hindi umaalis iyon parang bodyguard ng baby sa tabi nito, bantay-sarado, walang makalapit na bisita.
Nakakatuwa na tila miyembro na rin ito ng pamilya sa pagiging overprotective nito sa kanilang baby.
Totoo ngang man’s best friend ito. Bongga.
- Latest