‘There’s no business like showbiz’

Camille Pratts
STAR/File

Isa sa pinakanaiinis ako ay ‘pag narinig ko na nag­rereklamo ang isang artista na sinasabi niya na nawala ang childhood niya dahil sa maaga siyang nagtrabaho.

Kaya natuwa ako kay Romnick Sarmenta at Camille Pratts nang sinabi nila na naging normal ang paglaki nila, na itinuring nilang playground ang movie set, na nag-enjoy sila sa trabaho nila. Tama si Romnick nang sabihin niya na ‘happiness is a choice,’ na ang kaligayahan mo ikaw lang gagawa at makadarama.

You owe it to yourself na maging maligaya, kaya bakit kailangang gawin mo ang isang bagay na ayaw mo.

‘Pag malungkot ka, kasalanan mo, hindi iyon problema ng iba. So stop saying na ‘na-miss ko ang pagkabata ko dahil maaga akong nagtrabaho.’

Isipin mong wala ka diyan kung ‘di ka magtrabaho noon, wala ka sa kinalalagyan mo kundi sa inumpisahan mo.

‘Kainis na para bang utang na loob mo pa na nag-showbiz sila, samantalang lahat ng good things sa life nila ngayon dahil nasa showbiz sila.

Wala pa yatang trabaho na kasing laki magbayad kundi ang showbiz.

Ang kita ng isang abogado o doktor sa loob ng isang buwan, isang araw lang na TF ng isang star, ang monthly suweldo ng isang employee na college graduate kinikita lang ng isang araw ng isang supporting na artista.

Masyadong spoiled ang mga taga-showbiz, sa bayad, sa trato. Kaya malaki rin ang dapat isakripisyo, you give something for what you get.

Kung anuman ang nawala, may naging kapalit. Kaya tumigil na sa pagsasabi na napakalaki ng nawala sa kanila, dahil malaki rin ang naging pakinabang nila. Siguro kahit wala sila, tuloy pa rin ang showbiz.

There is no business like showbiz, ‘yung bad natatabunan ng good, laging the show must go on. Kaya nga tigilan na ang kakareklamo, kung ayaw umalis na lang.

Show comments