Nakakaloka ang komento ng ilang male celebrities nang napag-usapan namin ang tungkol sa pag-out ni Klea Pineda.
Ang ganda ni Klea nang makapanayam siya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda nung nakaraang Lunes, at ipinakilala ang girlfriend nitong si Katrice Kierulf.
Napakaganda nitong si Katrice kaya ang dudumi na ng iniisip ng ibang lalaking nakausap ko nang pinanood daw nila ang interbyung ‘yun.
Parang nag-iinit daw sila kapag na-imagine na nila sa isang kama sina Klea at Katrice.
Karamihan kasi sa mga kalalakihan ay mas na-arouse kapag nakikita nila ang dalawang babae.
Iba raw ang dating sa kanila, lalo na kapag parehong maganda kagaya nitong sina Klea at ang girlfriend niya.
Pero pinupuri nila ang Kapuso actress sa tapang nito na mag-out kahit may pangambang maapektuhan ang kanyang showbiz career.
Nag-trending sa Twitter ang hashtag Klea Pineda pagkatapos ng interview sa kanya ni Kuya Boy, at naka-5.8 percent ang rating nito.
Nagpahayag ng suporta ang ilang Kapuso stars na nakatrabaho niya.
Kahit si Andre Paras ay nagpahayag ng suporta sa pag-out ni Klea.
Sabi ni Klea kay Kuya Boy, mas mahal na niya ang kanyang sarili, at naniniwala naman daw siya sa kanyang kakayahan bilang artista na magampanan niya ang role na ipagkatiwala sa kanya.
“Alam ko, kilala ko ‘yung sarili ko na kahit na anong roles ang ibigay sa akin ng GMA Network at ng Sparkle Artists Center, bibigyan ko ng hustisya ang roles na ‘yon. And naniniwala ako sa skills na meron ako. Sa talent na meron ako. And of course, hindi naman ‘yan makakaapekto sa talent na meron ako. Hindi ‘yan makakaapekto sa career na gusto kong tahakin,” saad ni Klea.
Dahil sa pag-out ni Klea, naungkat na naman ang ilan pang female celebrities na pinagdududahang lesbian.
Pero ang isa sa nabuhay na isyu ay itong nali-link ngayon kay James Reid na si Issa Pressman.
Inamin ni Issa sa isang interview na gender fluid siya.
Inamin niya sa kanyang pamilya na nagka-girlfriend siya, nagka-boyfriend at nagka-girlfried pa uli.
Para kay Issa sa interview sa kanya ng Calyxta ang gender daw ay “freedom.”
“Gender, for me is someone’s freedom. You know it’s just that. I know we’re all born into being male or female, but then gender’s just your own choice, and just—freedom!”
Kinuwento niya sa interview na ‘yun kung paano niya ipinagtapat sa kanyang ama ang kanyang tunay na kasarian.
Nakikinig lang daw ang daddy niya habang nagtatapat siya, pero wala raw siyang nakitang parang tumaas ang kilay, basta nakinig lang daw siya, at nirespeto raw niya kung paano ito tinanggap ng kanyang ama.
Kung ano man ang namamagitan ngayon kina Issa at James, obvious na nagkakaintindihan silang dalawa.
Ruru at Bianca, ‘di binitiwan ng fans
Solid ang suporta ng fans ng tambalang Ruru Madrid at Bianca Umali sa pilot episode ng The Write One sa GMA Telebabad nung Lunes pagkatapos ng Hearts on Ice.
Nag-trending siya at hanggang kahapon ay kinakarir pa rin ng fans ang pag-promote nito sa social media.
Naka-6.6 percent ang rating ng pilot episode nito.
Mukhang marami nang pinagkakaabalahan ang mga manonood sa gabi, kaya hindi talaga ganun kataas ang mga viewership sa mga ganung oras.