Kim, kinabaliwan nang umakyat sa puno ng niyog!
Ang daming tawang-tawa sa ipinost ni Kim Chui nung mag-reunion sila ng besties niyang sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, and Direk Andoy Ranay.
‘Yung kunyari ay umakyat siya sa mataas na puno ng niyog at animo’y takot na takot habang nagchi-cheer sina Angelica at Bela sa baba at si Direk Andoy ang nagka-camera sa kanyang ginagawa.
‘Yun pala mababa lang ang puno at nadala lang sa camera angle.
Kahit si Kim ay grabe ang tawa pagbaba.
Daming napa-comment dahil pwede raw gawin nilang raket ang mga ganitong content. As in maraming request ng gantong episode na pang-aliw lang. #AngBeKI reunion be like!!!!! @bela @iamangelicap #supportive #actingnaacting.1 day feels like forever with these two!!!!! miss you both so muchie special thanks to direk @andoyr1973,” caption ni Kim.
Si Bela naman ay “The invisible life” ang tawag sa kanilang reunion na magkakaibigan.
- Latest