^

PSN Showbiz

Kapatid viewing experience mas pina-level up sa TV5 HD

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kapatid viewing experience mas pina-level up sa TV5 HD

Mas malinaw at mas pina-intense pa ang pa­nonood ng Kapatid viewers ng kanilang mga paboritong TV5 shows dahil available na ang network in high-definition (HD) sa pay TV via Cignal Channel 15 simula April 1.

Ma-e-experience na ang TV5 HD at ang mga exciting entertainment, news at sports programs nito na magle-level up sa TV viewing at bonding ng buong pamilya.

Ilan sa mga aabangang show na maaaring mas ma-enjoy sa TV5 HD ay ang highly-rated drama action series na FPJ’s Batang Quiapo na laging trending every weeknight at ang mga bagong sitcom na Team A (Kim Molina and Jerald Napoles) at Kurdapya (Yassi Pressman, Marco Gumabao and Nikko Natividad) na maghahatid ng walang humpay na tuwa at katatawanan tuwing Sabado ng gabi.

Mas malinaw din sa TV5 HD ang panonood ng mga balita sa Frontline Pilipinas at Frontline Tonight, pati na rin ang action-packed PBA games kung saan ma-eenjoy ng viewers ang mala-front-row access sa live hardcourt action in the comfort of their homes.

At hindi lang dyan nagtatapos ang saya dahil hatid din ng TV5 HD ang iba pang mga ABS-CBN programs tulad ng mga primetime series na Dirty Linen at The Iron Heart, ang paboritong noontime show ng madlang people na It’s Showtime, ang iconic Sunday variety show na ASAP Natin ‘To, at marami pang iba.

Tampok din ang kwelang kulitan sa Tropang LOL na mapapanood araw-araw mula Lunes hanggang Sabado bago mag-It’s Showtime sa TV5 HD.

“We are committed to provide the best possible viewing experience for our Kapatids wherever they are and however they choose to watch their favorite TV shows. With our very own TV5 channel now available on ultra clear, digitally enhanced, high-definition quality on TV5 HD, we guarantee a leveled up viewing satisfaction that will make audiences love our shows even more,” pagbabahagi ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.

Mas malinaw, mas detalyado at in high definition format na nga sa TV5 HD, available sa Cignal Channel 15 simula April 1.

No wonder gumaganda na ang rating ng mga programa ng TV5.

Patalbugan na talaga ngayon ng signal.

At lumalakas din sa probinsya ang TV5 dahil lahat pala ng local cable ng ABS-CBN na-take over ng TV5.

 

BATANG QUIAPO

TV5

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with