Jodi, bawal ma-stress ‘pag nagluluto!
Mas bongga ang attitude ni Jodi Sta. Maria.
Pulos positive vibes lang ang pino-post. Walang mga rant o masyadong hard sell.
Dapat ganun lang. Hindi sobrang over acting.
Like nag-aral palang magluto ni Jodi nang mag-enroll siya sa isang cooking and baking program.
Parang ang bilis niyang natutong magluto at mag-plating pa.
At ang napag-aralan din daw niya na dapat sa pagluluto ‘wag ma-stress dahil pwede ring ma-stress ang pagkain.
Bongga. May ganun talaga.
Actually, sa lahat naman talaga nang ginagawa dapat hindi nai-stress. Dapat chill lang para masaya at magaan ang buhay.
Pak. Babush.
Alden, solid ang stand
Talagang pag solid na ang kinalalagyan mo, marami ang gustong guluhin ang paligid mo.
Tulad na lang ni Alden Richards na kung anu-ano ang mga sinasabi ng mga taong gustong sumira ng career niya.
Kitang kita na mahal ni Alden ang mga ginagawa niya tulad ng Eat Bulaga. Enjoy siya na kasama ang lahat ng nasa noontime show, at maayos ang usapan nila tungkol sa participation niya rito. Kaya walang problema.
Pero siyempre dahil may mga nega na tao, kung anu-ano na lang issue ang inilalabas, pinalulutang.
Si Alden ay isang mabuting tao na hindi kayang itumba ng mga issue dahil lalabas at lalabas kung ano ang tutoo.
Makikita mo lagi ang good intentions sa mga ginagawa niya. Makikita mo ang ugali niya sa ipinakita niyang pagmamahal at loyalty sa kanyang personal assistant na si mama Tenten. Kaya imposible mo ibintang kay Alden ang hindi paglingon sa mga taong nagmahal sa kanya.
Kaya dapat lang sa mga taong gustong sumira kay Alden na huminto na dahil hindi sila mananalo. Mananatiling matatag at matibay ang aktor.
- Latest