Parang balak kong mag-order ng cake kay Ka Tunying sa kanyang pastry shop na ang mabait at maganda niyang wife na si Rossel Taberna ang namamahala. Gusto ko talagang mag-thank you sa rasyon ko na champorado at macaroni soup every week.
Talagang hindi ko alam kung paano pasasalamatan ang mag-asawang Anthony at Rossel Taberna sa kanilang kabaitan.
Imagine mo na every week ang ipinadadala nilang pagkain sa akin, to think na hindi ako ganun ka-close sa kanila.
Siguro sobrang bait nila sa kanilang close friends kaya hindi ako magtataka na kung sakali at maisip tumakbo ni Ka Tunying, sure winner siya dahil napaka-helpful niya, napakabait, at generous talaga.
Naku napakasarap ng mga pagkain sa resto nina Ka Tunying at Rossel sa Visayas Ave. kaya naman tiyak na laging puno ito ng mga kumakain.
‘Acceptance is the key...’
Nagtataka ako kung bakit parang ang happy ng mood ng lahat ng pasyente sa dialysis session dito sa FEU Hospital na kasabay ko. Para ngang excited sila sa session ‘pag nag-uusap sila.
Merong 11 years ng nagda-dialysis, pero tuwing darating very cheerful at parang ang saya-saya.
Acceptance talaga is the key to contentment. Basta tinanggap mo na ang isang bagay, ok na sa pakiramdam.
Magiging magaan na ang pagdadala. Kaya siguro pathetic ‘yung mga nalalaos na artista na hindi matanggap na hindi na sila relevant, na ayaw na sa kanila. Kasi nga may ilusyon pa silang nasa itaas sila. Hindi nila matanggap ang totoo, ang realidad na ayaw na sa kanila.
Kaloka sila.