Addicted pala si Tali sa pizza.
Nakita ko sa post ni Pauleen Luna-Sotto na nagluluto silang mag-ina ng pizza na parang ang sarap ha.
Buti na lang at hindi ako gaanong mahilig sa pizza or else tatawagan ko talaga si Pauleen para tikman ang luto nilang mag-ina.
Hay sarap ng buhay ni Pauleen. Talagang ideal mom na nakatutok kay Tali at kay Bossing Vic Sotto.
‘Mga inggitero, ‘di dapat tularan!’
Naloloka ako ‘pag nanonood ng drama series na very bad ang isang kontrabida. Parang hindi ko talaga ma-take ‘yung sobrang bad na parang hindi na puwedeng mangyari sa tunay na buhay.
Siguro naman in real life you cannot be that bad kasi kahit paano malalaman din ng mga tao sa paligid mo ‘yung mga bad thing na gagawin mo o nagawa mo na.
Paanong nagiging ganun kasama ang isang tao? Parang impossible at this point in time.
Madali mo na kasing malalaman iyon, madali mong mapapansin ‘yung bad things na puwedeng gawin sa iyo.
Pero totoo nga siguro ang karma, ‘yung ‘pag ginawa mo, babalik din sa iyo.
Sabi ko nga the worst thing in life is envy. Basta naka-feel ka ng inggit, discontented ka na sa buhay, you will never be happy kahit kailan.
Lagi ka nang may kulang na madarama, kasi nga nandun na ‘yung inggit.
Be happy with what you have, huwag mong kainggitan ang meron sa iba. Life is fair, kundi niya ibinigay ang isa, meron ka pa rin makukuhang iba.
Kung nasaan ka dapat maging happy ka, dahil dun ka inilagay. Huwag mong hanapin ang wala, be contented with what you have.
Life is too short para malungkot, be happy every hour of your life, para magaan ang buhay mo.
Hay naku ‘di dapat tularan ang mga inggitera.