Natatawa ako sa mga nangyayari ngayon between talents and managers.
Ewan ko pero ang aking pakiramdam napaka-lucky ko sa mga alaga ko dahil hindi ako nagkaroon ng issue sa mga ito.
To think na wala akong kontrata sa kanila. Lahat kami honor system lang, lahat based on trust, walang written contract tulad sa ibang mga manager.
Basta kasi katuwiran namin noon ni Douglas Quijano ‘pag ayaw na sa iyo, pakawalan mo. Huwag mong habulin ang gustong umalis.
Saka lagi ko kasing basis ‘pag tatanggap ng talent, ‘yung dapat may emotional attachment ako, ‘yung mahal ko bago ko i-handle.
At so far, wala naman akong naging problema. Lahat sila, mahal ko at mahal nila ako kahit kung minsan ay may okrayan na parang biruan lang naman.
‘Kalungkot kasi na ‘pag matagal na ang samahan ninyo, at maghiwalay kayo, magkakaroon ng bitterness. Mas maganda na ‘pag ayaw na, pareho ninyong tanggap ang ending ng samahan ninyo na walang galit sa loob mo.
Ang manager/talent relationship parang family din. Magkakahiwalay pero dapat nandu’n pa rin ‘yung good memories, ‘yung pinagsamahan at pinagtulungan.
Melancholic nga ako noong wake ni Douglas Quijano at Bibsy Carballo noon na dalawa sa malalapit kong kaibigan sa showbiz at kapwa ko talent manager na nakita ko ang talents nila ang nag-aasikaso sa kanila hanggang sa huling sandali ng kanilang pamamalagi rito sa lupa.
Talagang pamilya ang turing sa kanila.
Kaya nakakalungkot ‘pag makita mo na nag-aaway ang dating magka-kampi. It leaves a bad taste in the mouth. Hindi magandang tingnan.
Kakalungkot talaga.
Sana maisip nila na after a long years of working together, dapat kung maghiwalay man, let it be.
Walang siraan, walang bad words. Peace lang.
Maliit lang ang showbiz, at magkikita-kita kayo lagi, gusto mo bang lagi kang may iniiwasan?
Hindi maganda, ‘di ba? Kaya no more word war, stay quiet, mas class pa, hindi cheap, mas bongga.