^

PSN Showbiz

Camille, naging rebelde!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Camille, naging rebelde!
Camille
STAR/ File

Pitong taong gulang pa lamang nang magsimula si Camille Prats sa show business.

Sa nakalipas na tatlong dekada ay aktibo pa rin ang aktres sa industriya.

Ayon kay Camille ay naging masaya naman ang kanyang kabataan noon salu­ngat sa iniisip ng ibang tao. “Naririnig ko from the people around me, ‘Kawawa ka naman, ang bata-bata mo pa nagtatrabaho ka na. Hindi normal ang childhood mo.’ That’s what I normally hear from people. But to be be honest Tito Boy, I had a very unique childhood. Hindi ko man naranasan ‘yung normal na naranasan ng karamihan, I would like to think na ‘yung binigay na buhay sa akin ng Diyos is the life he really wanted for me. I had so much fun. I loved what I was doing. Up to now, I am grateful that I am in the business for thirty years. I really think it’s a blessing,” nakangi­ting paglalahad ni Camille.

Hindi sang-ayon ang dating child superstar sa opinyon ng ilang mga magulang na sa mga anak iaasa ang pagkakaroon ng magandang buhay ng pamilya. “Malalakas pa tayo, marami pa tayong pwedeng gawin. Walang time limit ang pagtatrabaho at mangarap sa buhay para maiahon mo ‘yung sarili (sa hirap),” giit niya.

Matatandaang sumikat si Camille bilang si Princess Sarah para sa pelikulang Sarah… Ang Munting Prinsesa ng Star Cinema noong 1995.

Kahit masaya ang kabataan ay naranasan din ng aktres ang pagrerebelde noon. “I would like to say, yes. Pero hindi naman sobra, teenager na. Nagpahikaw ako sa pusod. Pinagkukurot ako ng nanay ko, galit na galit. Tapos ‘yan ang exact words niya, ‘Rebelde ka na!’ Growing up known as Princess Sarah na talagang mabait na bata, the perfect child, hindi nagkakamali, hindi nagsusungit, hindi nagmamaldita. I feel like that served as my guidance to keep me in line,” pagtatapos ng aktres.

Mel, nape-pressure kay Maricel

Simula March 22 ay mapapanood na sa mga sinehan ang D’ Aswang Slayerz na pinagbibidahan ni Mel Martinez.

Talagang nahirapan daw sa pagpapatawa ang nakababatang kapatid ni Maricel Soriano sa naturang horror-comedy film. “Sa totoo lang mahirap talagang magpatawa. Mas madali sa akin ang magpaiyak, mas madali akong humugot kasi kapag drama. It’s just that kapag comedy, nahi-hit ko ‘yung timing. It’s a gift rather that I am really blessed with. Kaya kapag comedy ‘pag pinaghuhusayan mo at kahit pa comedy ‘yan, pinaghihirapan ko pa rin,” paliwanag ni Mel.

Masayang-masaya ang dating child star dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasang ma­ging pangunahing bida sa isang pelikula. “As a comedian ito talaga ‘yung masasabi kong biggest project ko na ako talaga ‘yung lead role. Kasi may mga ibang projects naman dati pero natataon sa drama. Ito talaga ‘yung full length na ako ‘yung bida kumpara sa mga pa-support-support ko dati sa mga pelikula ni Direk Wenn (Deramas),” pagtatapat niya.

Aminado si Mel na nakararamdam pa rin ng pressure hanggang ngayon dahil sa pagiging kapatid ng nag-iisang Diamond Star. “Kasi siyempre being the brother of the Diamond Star. It’s both an honor, number one, pero pangalawa, pressure. Kasi ang laki ng expectations ng tao, ‘Ay! Kapatid ni Maricel Soriano ‘yan, dapat magaling ‘yan.’ So parating may pressure kasi siyempre ayoko siyang mapahiya sa akin. Sinabi niya sa akin child star pa ako nito, ‘Itong pag-aartista mo, huwag mo akong gamitin. Gusto ko gumawa ka ng sarili mong pangalan.’ Kaya kung napansin mo noon, forever siyang nasa Channel 2. Ako naman nasa Channel 7 because I don’t wanna use her. I don’t wanna be her shadow kaya nagsumikap din ako na I have to establish my own identity,” pagdede­talye ng aktor.

(Reports from JCC)

CAMILLE PRATS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with