Isabelle may 10 ice plant na! Willie ‘di pa alam ang kapalaran... ALL TV may bagong programa!

ALL TV

May dagdag na bagong programa ang ALL TV Channel 2. Patunay na hindi nga sila nagsara o nag-shutdown o mago-off the air na.

Kahapon ay nagkaroon ng welcome presscon ang ALL TV para sa programang Negosyo Goals na mapapanood sa nasabing network ng Villar Group.

Ito ay ang bagong entrepreneurial show hosted by Gerry ‘Mr. Freeze’ Santos. Eere ito every Sunday, 11:30 a.m., starting March 19.

Aminado si Mr. Gerry na nung sumabog ang intrigang magsasara na agad ang network ay kinabahan din sila pero naging smooth ang agreement at nakita naman nilang operational ito kaya mabilis naayos ang contract signing.

Almost 40 years na ang expertise ni Mr. Gerry sa pagnenegosyo ng yelo.

Tulad ng ordinaryong negos­yante, nag-umpisa siya sa maliit pero hindi siya naging maramot kaya lumago nang lumago. “It’s an honor for us to be part of ALL TV which shares the same vision of empowering aspiring Filipino entrepreneurs,” umpisa niya na kilala ring BBF nina Aga Muhlach, Derek Ramsay, Isabelle Daza and Albert Martinez.

Aniya, tutulong silang ibangon ang network na lately ay iniintriga ang pagpi-freeze ng mga programang Wowowin, M.O.Ms and Toni Talk.

May canned shows sila na ipinalalabas ngayon. Wala namang makasagot na taga-ALLTV kahapon kung kailan babalik sa eere ang tatlong programa pero totoo raw na may ginagawang studio ang show ni Willie pero walang ‘confirmation’ kung kailan ito magagamit ng TV host or definite or target date.

Anyway, going back to Negosyo Goals, sa golf naging kaibigan ni Mr. Santos sina Aga at Derek, habang si Isabelle ay sa isang car event at si Albert ay pareho sila ng interes, ang sasakyan.

Investor na sa Mr. Freeze sina Derek at Isabelle.

Pero mas malaki ang investment ni Isabelle Daza ayon kay Mr. Santos.

“Si Belle. Parang eight branches na kami. Eight to 10 branches.”

More than a year ago na rin nang mag-decide sina Derek and Ellen Adarna na magnegosyo rin ng yelo. - Mr. Freeze Tube Ice Plant - sa Ba­lagtas, Bulacan. “So this is our first venture as a couple. We’re so cool,” post noon ni Ellen.

“Now, we are a proud owner of Mr. Freeze Ice Plant” habang tinuturo ang machines “that thing over there makes 75 tons of ice per day.”

Pero co-investor lang daw sila. At ang nagpapatakbo pa rin ng negosyo ay ang grupo ni Gerry na sa kabilang banda ay sinimulan ang Mr. Freeze noong 2005 na may isang planta lamang. Ngayon, ito ay itinuturing na pinakamalaking tagagawa at distributor ng yelo sa bansa.

Ang Makers Mind Media Production ang producer nito na pag-aari ni Ms. Ivy Ataya.

Optimistic naman ang presidente ng network, si Ms. Maribeth Tolentino, sa new partnership nila kung saan nga naganap ang contract singning kahapon sa Coffee Project, Worldwide Corporate Center Building in Mandaluyong.

Show comments