Aminado si Bianca Umali na hindi talaga perfect ang relasyon nila ni Ruru Madrid at nagkakaroon sila ng burnout lalo na nga at everyday ay magkatrabaho sila lately para sa drama series na The Write One na mag-uumpisang mapanood sa March 18 sa Viu at March 20 sa GMA 7.
Like recently ay nag-unfollow sila sa isa’t isa pero mabilis ang fans at na-detect kaagad ito. “It was just a small fight. So hindi siya something na dapat maging big deal,” pag-amin ni Bianca sa ginanap na exclusive screening ng The Write One last Saturday afternoon.
“We follow each other again. Ang bilis kasi ng fans eh,” sabay tawa ng young actress na naninibagong everyday ay magkatrabaho sila.
“So ‘yung pag-unfollow namin sa isa’t isa was spur of the moment. Nasa height of emotion.
“Aminado naman kami na being in a relationship... Wala naman talagang perfect na relationship, you really go through sa maliliit na tampuhan, lalo na for us na magkasama kami everyday sa trabaho, every single day working. So it’s normal I guess na nagkakaroon ng burnout, pero ok naman,” dagdag pa ni Bianca.
Pareho silang nanibago actually na magkasama sila sa trabaho.
Pahinga raw ang pagkikita nila bago itong The Write One.