ALLTV, maraming hinahanda!

Sayang wala ako sa presscon ng ALLTV kasi dialysis day ko.

Talagang big shows ang inihahanda ng ALLTV kaya inaasahan na magi­ging competitive ito sa ibang istasyon.

Maganda dahil marami ang trabaho na mabubuksan, marami ring talents ang tuloy ang trabaho at magandang tingnan na busy na naman ang showbiz.

Bongga sana nga ay mas lumakas pa ang ALLTV para mas bongga ang competition.

Dongyan, nagpa-party para sa kanilang loyal driver

Ang bongga naman nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

‘Di nila nakalimutan ang driver nilang si Jhun na halos dalawang dekada nang nagsisilbi sa kanila.

Ipinagdiwang nila ang birthday nito.

Talagang loyal driver pala ito dahil mula pa pala noong single si Dingdong, nagseserbisyo na ito sa kanila.

Nakakatuwa naman dahil pinaghanda ito ng mag-asawa ng birthday cake.

Kasama nila ang mga anak na sina Zia at Ziggy at iba pa nilang househelpers na sinelebrayt ang kaarawan nito.

Damang-dama talaga ni Jhun ang pagmamahal ng pamilya Dantes na dahilan din kaya raw siya tumagal sa trabaho.
Bongga.

Show comments