Aminadong tapos na ang network war... ABS-CBN exec direk Lauren Dyogi, may wish kay Liza
Very cool ang take ni Direk Lauren Dyogi sa kinakaharap na kontrobersya ni Liza Soberano.
Walang kahit anong kanegahan.
Nakausap ng ilang entertainment press si Direk Lauren sa contract signing ng grupong HORI7ON sa ABS-CBN at management company na MLD Entertainment last Friday night.
Umiiwas sana si Direk Lauren na mag-comment pero wala siyang nagawa. Na-corner na ang mabait na head ng Star Magic.
“My short dealings with her, I know her to be… she’s responsible naman. Marami talagang pinagdaanan ang batang ‘yan. Marami rin siyang responsibilidad sa buhay.
“Hindi naman din naging normal din ‘yung… I think she’s open about it, about her life, about her setup, marami siyang responsibilidad.
“But just like most of us, hindi din naman unique ‘yung experience ni Liza, eh. Kahit naman ako nung bata ako, I had my responsibility. I’m sure all of you, you have your own responsibility. And opportunities that come to us, choice natin ‘yon...
“Liza is lucky enough to have opportunities presented to her na hindi nape-present sa karamihan na nangangarap na mapabuti ang buhay ng kanilang pamilya, sarili nila. And I think because Liza is also still in her first quarter of one hundred years of life so siguro nagka-quarter life questioning siya of maybe…
“Nangyayari naman sa atin ‘yon, eh. We allow her to explore and aspire for something better for herself, if that meant moving on to somewhere else, moving on to different territory, let’s just wish her well. Because her achievements and accomplishments will also be an accomplishment for us especially for those people who helped her in the beginning like sila Ogie (Diaz), the Star Magic family who helped her. They will be very happy if Liza attain something that everybody is aspiring...which is global stardom,” pahayag ni Direk Lauren na pinalitan si Mr. Johnny Manahan sa Star Magic.
More than a week nang mainit sa isyu kay Liza na nag-umpisa sa kanyang rebelasyon sa vlog, sa interview kay Bea Alonzo at kay tito Boy Abunda na pinag-usapan na naman dahil sinabi niyang hindi naman niya pinangarap maging artista. “Hindi ko po pangarap maging artista. I had to be an artista para mapaaral ko ang sarili ko, para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko ang family ko - and I think that’s one thing na hindi alam ng maraming tao. I think that they assumed na gusto kong maging artista ever since I was a kid which is not true kasi It came from need, a necessity. I needed to make money for my family,” dahil may mga lumabas na interview na kino-contradict ni Liza ang mga statement niya noon kung saan sinasabi niyang bata pa lang ay gusto na talaga niyang mag-artista.
Samantala, kinontra ni Direk Lauren ang sinasabing wala nang network war. As of now, hindi na nga raw sila network at tanggap nito na ang GMA 7 ang network na may pinakamalawak na reach.
“For now, we are not a network anymore because we don’t have a franchise. We’re a media company. We’re a content creator now so wherever we can bring a content with a biggest reach and we have to recognize that GMA has a biggest reach right now because number one station.
“We’re very thankful to them for opening the doors also to partner with us but the same way that A2Z has been with us from the start and now Channel 5 and all the other OTT platform that has been collaborating with us. Maraming maraming salamat. You keep us alive. We’ve been struggling for the past three years but awa ng Diyos nandito pa rin naman po kami, nandito pa kayo.”
Mayaman ang image... aktres, nagbebenta ng mga ari-arian!
Nakakagimbal ang kuwento tungkol sa isang acctress na akala ng lahat ay mayaman at maraming naipon pero nagbebenta raw ngayon ng ari-arian.
Ayon sa narinig ko, may mga kaibigan daw itong binebentahan ng kanyang naipundar na ari-arian.
Malaki-laki ang nasabing ari-arian ng actress kaya hindi rin daw basta-bastang halaga ang presyo nito.
Saan kaya napunta ang mga kinita ng actress noon sa mga ginawa niyang pelikula at mga teleserye?
- Latest