HORI7ON, MLD entertainment at ABS-CBN artists na

HORI7ON

Certified Kapamilya at MLD artists na ang HORI7ON sa patuloy na pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at management company na MLD Entertainment na magkasamang mamamahala sa magiging karera ng grupo sa Pilipinas at Korea matapos maganap ang contract signing ng dalawang kumpanya noong Biyernes (Marso 10).

Naglabas ang grupo ng kanilang pre-debut teaser ng music video na Dash, na kinompose ng Korean mentor nila sa show na si Bull$eye.

Binubuo ang HORI7ON nina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng, at Winston Pineda matapos silang hirangin bilang Dream 7 ng kauna-unahang idol survival show ng bansa na Dream Maker.

Mas makikilala naman ng viewers ang HORI7ON sa kanilang guestings sa iba’t ibang shows tulad ng I Can See Your Voice at Tropang LOL.

Samantala bago sila lumipad patungong South Korea, inanunsyo rin ang patuloy nilang pag-iikot sa bansa hanggang Abril.

Abangan ang grupo sa Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Koronadal, Gensan, at Zamboanga.

Kasama sa contract signing sina Star Magic and Entertainment Production head Laurenti Dyogi, business unit heads na sina Reily Santiago at Marcus Vinuya, at CEO ng MLD Entertainment na si Lee Hyoungjin.

Matatandaan na noong nakaraang taon lamang nagsimula ang journey ng grupo sa kanilang pag-audition sa Dream Maker.

Mula sa mahigit 60 na contestants, silang pito ang pinili ng sambayanan matapos makita ang kanilang pinagdaanan at mga improvement sa kanilang mga misyon at challenge sa tulong ng Pinoy at Korean Mentors na sina Angeline Quinto, Darren Espanto, Bailey May, Thunder, Bae Wan Hee, Bull$eye, at Bae Yoon Jung.

Maraming plano ang MLD Entertainment sa grupo na nakatakdang lumipad sa Korea pagkatapos ng kanilang mga naka-schedule tour sa iba’t ibang probinsyano.

Super trending din sila nung ganapin ang contract signing last Friday.

Show comments