^

PSN Showbiz

Birthday ni Mommy Divine ni Sarah, ‘di naramdaman

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Birthday ni Mommy Divine ni Sarah, ‘di naramdaman
Mommy Divine ni Sarah Geronimo

May reminder kahapon ang Viber na birthday ni Mommy Divine ni Sarah Geronimo.

Totally shutdown na ang communication kay Mommy Divine ni Sarah since nagkaroon sila ng isyu-isyu ng husband niyang si Matteo Guidicelli.

Hindi na tulad noon na super effort si Mommy Divine na mag-reach out sa mga kaibigang press.

Kahit ang property nila sa may Mindanao Avenue ay apektado sa ginagawang LRT.

Pulos organic noon ang niluluto ni Mommy Divine dahil nagbukas ito ng restaurant.

Maging ang Daddy Delfin ni Sarah ay ‘di na rin nararamdaman ngayon.

Naging malapit sa ilang press ang mga magulang ni Sarah dahil ang mga ito ang talagang gumagawa ng paraan para mapalapit si Sarah noon sa press sa tulong ng Viva.

Anyway, napapanood na ulit sa ASAP Natin ‘To si Sarah. Isang epic party ang hatid ng popstar royalty at Donny Pangilinan na sasabayan ng isang stellar P-pop revolution mula sa iyong paboritong Kapamilya stars ngayong Linggo (Marso 12) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bago ang nalalapit na premiere, maki-party muna kasama ang young stars na magpapakilig at magbibigay inspirasyon sa bagong iWantTFC series na Teen Clash, kasama ang cast na sina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, Markus Paterson, Zach Castañeda, Gail Banawis, Ralph Malibunas, Luke Alford, Bianca de Vera, Fana, Kobie Brown at Andi Abaya.

I-celebrate rin ang Pinoy-pop and pride with performances from world-class talents – Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Martin Nievera, Regine Velasquez, Maymay Entrata, Darren Espanto kasama ang BGYO, Alamat, BINI, Dione, 1st One, Calista at ang buong ASAP family with Robi Domingo.

Anyway, mas nakumpleto nga ulit ang ASAP nang bumalik si Sarah sa totoo lang.

MOMMY DIVINE

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with