Alam n’yo ba na talagang dapat mahaba ang pagsamahan ninyo ng isang tao para ganap mong makilala ito.
Akala ko noon sa mga alaga ko, ang balewala lang ang magiging attitude pag nagkasakit ako ay si Nanette Medved.
Kasi ang projection niya parang wala lang, so so lang sa mga nangyayari.
Hindi ko akalain napaka-grateful pala niyang tao, very loving. Hindi pala siya iyong tipo na akala mo maaasahan mo, pero pagdating ng oras, wala pala.
She is so sincere, at caring na talagang feel mo ang pagmamahal niya sa iyo.
And to think na sa lahat ng alaga ko, siya yata ang hindi ko talaga nabigyan ng atensiyon.
No wonder ang dami niyang blessings sa buhay, no wonder she is on a higher level now.
Ibang-iba na ang status niya sa buhay. Hindi gaya ng iba na naghahabol pa rin ng trabaho, na hindi pa rin matatag ang kinalalagyan at tuloy ang pakikipagsapalaran.
Nanette may have done something very good in her past life kaya ibang-iba ang dating ng grasya sa kanya.
Can you imagine Nanette Medved bilang philanthropist and charitable lady now of the high society.
Can you imagine Nanette Medved having kids studying abroad.
So proud of her. So lucky to have a Nanette as one of my alagas.
Talagang para bang nakagawa rin ako ng mabuti in my past life kaya binibigyan ako ng mga angel na parang mga anak ko na rin na maging alaga ko sa showbiz.
Iyon pagdalaw nila Rhian Ramos, Mayor Enrico Roque, at Alden Richards I will forever remember.
Hindi ako ang kanilang manager pero ipinadama nila ang kanilang pagmamahal.
Sa mga ganitong panahon very sensitive ka, very sentimental kaya mahirap kalimutan ang ginagawa para sa iyo ng mga taong nasa paligid mo.
Basta ako, kung sino ang nakita ko na talagang minahal ako, iyon din ang mamahalin ko habang buhay ako. Alam ko na iyon mga fake na nasa paligid ko, alam ko na iyon true friends, alam ko na na rin iyon pakitang tao lang, no more alibis needed, alam ko na.
Give me love, I will love you double iyan na ngayon ang motto ko.
Bongga ‘di ba. At dapat alam na natin ang ganyan.