^

PSN Showbiz

Kwentong Eat Bulaga  

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Nakakawindang at nakakalungkot ‘yung naglabasang isyu sa Eat Bulaga kamakailan. (so affected talaga?!) Major ‘yung mabalitang baka mawala sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa programa. Imagine sa loob ng 44 years, ang EB ay TVJ, ang TVJ ay EB tapos biglang babu na dahil daw sa ilang ‘di pagkakaunawaan. Syempre umaasa ang mga loyal fans at televiewers na maayos ang lahat. (huwag sana tayo mabulaga sa mga kaganapan!)

Special sa’kin ‘yang Eat Bulaga. Maliban sa lumaki akong nanonood n’yan, ‘yan ang isa sa mga unang programang nagbigay sa’kin ng TV exposure nung nagsisimula palang akong DJ sa radyo. (nung kasagsagan ng tagline kong “may ganon?!”) Unang salang ko d’yan, opening  number ng isang episode. Kinailangan ko lang okrayin ang pagsalang ng bawat host. (afraid din ha!)

Pagkatapos na pagkatapos ng eksena kong ‘yan, sinabihan na agad ako ng isa mga producer na babalik daw ako sa show para sa isang regular segment.  (agad-agad!)

EB Dance Station ang naging title nung segment ko tuwing Biyernes. May featured song na sasayawin ng mga contestant na dance group. As usual, mang-ookray lang ako ng mga kasali. (‘yan na ata ang purpose ko in life,  ang mang-okray!) Sumalang ako kasama ng mga regular hosts ng EB. (feeling dabarkads ako ganyan!) Isa ang programang ito na humasa sa’kin sa pag-aadlib sa harap ng camera. ‘Yung may naka-ready namang spiels pero dapat naka-ready ka ring humanash anytime. (bawal ang pashonga shonga!) D’yan din nagsimula ang pagsusuot ko ng vest. (na naging uniform ko sa lahat ng shows ko noon!)  Nung una kasi, simpleng polo lang suot ko, sinabihan ako ni Direk Poochie Rivera na kung pwede mag-iba ako ng look. (baka nairita!)

Nakakita ako ng vest sa department store. Sinuot ko sa isang episode. Keri naman daw, so kinarir ko. (feeling ko, I’m the vest!)
Sa isang taon ko sa EB, hindi ko nakasama on-cam ang ang TVJ. (baka ayaw ako kasama. Chos!) May isa lang akong nakakatawang ginagawa sa tuwing dumarating si Sir Joey De Leon. Lagi kasi akong nasa hallway ng Broadway Centrum (kung saan ang EB studio noon) habang naghihintay umere. Pagdara-ting s’ya, yuyuko ako at kunwari nagte-text. Natatakot kasi ako mag-hello sa kanya kasi baka isipin n’ya feeling close ako. Isang araw, dumating s’ya, yumuko ako. Nagulat na lang ako nung bigla n’ya akong hampasin ng hawak n’yang dyaryo sabay sabi: “Huuuuuuy!”

Syempre nagbigay pugay na ‘ko! Biglang lapit sa’kin ang isang writer at sinabing: “Wow, pinansin ka ni Sir Joey! Sumisikat mga pinapalo n’ya ng dyaryo!” (so, baka sumikat na ‘ko soon. Chos!)

Pagkatapos ng ilang buwan, nakasama ko si Sir Joey sa Wow Mali sa TV5 at pumayag pa s’ya na gawing Wow Meganon ‘yung show! (bilang nandun ang presence ko!) Pero ibinalik din sa Wow Mali ang title after one year kasi ‘yun talaga ang nakasanayan ng tao. (pero sinama pa rin n’ya ako sa show ha!)  Sa isa sa mga taping namin, naikwento n’ya sa’kin ang history ng Eat Bulaga, habang nagkukuwento s’ya, sinusulat n’ya ‘yung eat bulaga sa isang table napkin. After ng kwentuhan, kinuha ko ‘yung napkin, at pinapirmahan ko sa kanya. (pina-frame ko at dinisplay sa WTFu studio namin!) Nakasama ko s’ya d’yan nang halos pitong taon. (kaya feeling close ako sa kanya!)
Ilang lang ‘yan sa mga kwento.(in fairness, ‘di nila ako kinakalimutan. Gini-guest pa rin ako paminsan minsan!)  Sure ako sa apat na dekada ng EB kulang ang isang libro para maibahagi ‘yun. (pang encyclopedia ‘yan!) Sana lang talaga tulo-tuloy lang ang Kwentong Eat Bulaga. Sabi nga ni Sir Joey, “Hangga’t may bata, may Eat Bulaga!”
(so may forever ito?!)
(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

 

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with