^

PSN Showbiz

'Salamat, laki ng tax namin!': Kathryn Bernardo, Daniel Padilla top celebrity taxpayers ng BIR

James Relativo - Philstar.com
'Salamat, laki ng tax namin!': Kathryn Bernardo, Daniel Padilla top celebrity taxpayers ng BIR
Kuha kina Kathryn Bernardo (kaliwa) at Daniel Padilla (kanan) habang nagbibigay ng talumpati matapos maging isa sa "top celebrity tax payers" ng Pilipinas, ika-8 ng Marso, 2023
Video grab mula sa Facebook ng BIR Revenue Region No. 7A - Quezon City

MANILA, Philippines — Hinirang ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang isa sa mga artistang nagbayad ng pinakamalaking buwis sa Pilipinas — ang huli, nagbiro pa sa laki ng kita niyang napunta sa gobyerno.

Ilan lamang ang tambalang "KathNiel" sa "Top Taxpaying TV and Movie personalities" na kinilala ng BIR para sa taong 2022 sa Fisher Mall, Quezon City ngayong Miyerkules.

"Maraming-maraming salamat sa award na ito! Maraming-maraming salamat sa dami naming binayaran na tax," wika ni Daniel kanina.

"Deh [joke lang]. Maraming salamat po! Have a beautiful day."

 

 

Maliban kina Daniel at Kathryn — na siyang magkarelasyon sa harap at likod ng camera — kasama rin sa listahan sina:

  • Mike Enriquez 
  • Jessica Soho
  • Judy Ann Santos-Agoncillo
  • Liza Soberano
  • Sarah Geronimo
  • Vic Sotto
  • Mel Tiangco
  • Michael V
  • Willie Revillame

"Thank you so much for this recognition. Malaking bagay ito sa amin and  hopefully this will inspire everybody to do our responsibility bilang Pilipinong magbayad ng tax," paghihikayat ng aktres na si Kathryn.

Bagama't hindi personal na nakapunta, nagpadala naman ng kanilang mensahe sa pamamagitan ng video sina bossing "Vic" at Sarah G. na siyang ipinalabas ng BIR.

Personal ding tinanggap ni Kuya Wil ang kanyang pagkilala, habang idinidiin sa lahat ang kahalagahan ng paggampan ng obligasyon sa pag-ambag sa pag-unlad ng Pilipinas.

Sa ilalim ng "progressive taxation" na ginagawa sa bisa ng 1987 Constitution, binubuwisan nang mas malaki ang mga mas mayamamang Pilipino.

Muli namang pinaalalahanan ng kawanihan ang publiko na maghain ng kani-kanilang tax returns sa ika-15 ng Abril.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DANIEL PADILLA

INCOME TAX

KATHRYN BERNARDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with