Alarming ang kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa isang dalagitang nakuhang magnakaw sa kanyang lola para mabili ang mga merchandise ng mga idol niyang Korean pop.
Hindi maliit na halaga ang nanakaw nito kung tutuusin - P2 million at lola pa niya ang pinagnakawan.
Ibig sabihin ay twisted na talaga ang moralidad ng ibang kabataan ngayon dahil nagawa niyang magnakaw para makiuso.
Hindi ba naturuan ang bagets na ‘to na masamang magnakaw?
Kawawa ang lola na ginawa pang cashier ang apo-apohan sa palengke, na umiiyak, at ang hindi niya talaga matanggap ay ginawa ‘yun sa kanya. Na aniya sa buong buhay niya ay hindi siya nakaipon, sa tagal ng kanyang pagta-trabaho, ng P2 million.
Super trending ang KMJS dahil sa kuwento ng dalagitang ito na itinago nila sa pangalang Bea.
Ang dami ngayong mga kabataang talagang ‘obssessed’ level na sa kanilang mga iniidolong K-pop.
Kaya nga pati ang malalaking local companies, Korean stars na rin ang priority para maging endorser.
Kaya tingnan mo sa EDSA ang daming billboard ng mga Korean star.
At ang mga meet-and-greet ng Korean stars, halos every week ay meron.
Anyway, ang bottomline talaga rito, morality.
Or baka nalilimutan na rin ni Bea ang magsimba o magdasal dahil sa edad niya, teenager, kinakaya niyang magnakaw alang-alang sa iniidolo.