Hatid ni Kathryn Bernardo sa Cinema One ngayong Women’s Month ang mga kwento ng iba’t ibang babaeng karakter na talaga namang tumatak sa mga manonood.
Saksihan si Kathryn bilang ang balikbayan na si Tin sa Three Words to Forever (Mar. 6), problematic teenager na si Jackie sa Crazy Beautiful You (Mar. 13), masipag na si George sa The Hows of Us (Mar. 20), at ang nagbabagong buhay na si Mia sa Barcelona: A Love Untold (Mar. 27), na tampok sa Monday Drama block na napapanood tuwing Lunes, 9 p.m.
Damhin ang girl boss vibes ng iba’t ibang pelikula tulad ng You’re My Boss ni Toni Gonzaga (Mar. 5), Won’t Last a Day Without You ni Sarah Geronimo (Mar. 12), How to Be Yours ni Bea Alonzo (Mar. 19), at Unofficially Yours ni Angel Locsin (Mar. 26), na mapapanood sa Romance Central tuwing Linggo, 5 p.m.
Bukod sa mga nabanggit na pelikula, marami pang ibang box-office films ang nakalinya.
Mapapanood din ang anniversary special ng Star for All Seasons Vilma Santos na Anim na Dekada… Nag-iisang Vilma sa Cinema One ngayong Marso 11 at 18, 7 p.m.
Samantala, sa unang pasabog ng bagong season ng CinemaNews, makakausap ng host nito na si Bianca Gonzalez ang Golden Globe nominee na si Dolly De Leon sa darating na Mar. 10 (Biyernes), 9 p.m.
Mapapanood din ang replay nito sa Sabado tuwing 2 p.m. at sa Linggo tuwing 1 a.m. at 10 a.m.
Maaari rin panoorin ang interview highlights nito sa Sabado at full interview naman sa Linggo, 4 p.m. na makikita sa Facebook, YouTube, at TikTok ng Cinema One.