Matagal-tagal nang hindi aktibo si Rica Peralejo sa show business. Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay hindi na raw nakagawa ng proyekto si Rica bilang isang aktres. “I had offers naman kahit before pa. It just wouldn’t match with my schedule. Kasi I am a very hands-on mom. So every time na babangga siya sa duties ko as a mother, nahihirapan akong mag-schedule. But I’m not closed to it. It has to take a certain kind of project like something make my heart jump and also sana ‘yung director, somebody na I really look up to,” nakangiting pahayag ni Rica.
Dalawang lalaki ang anak ng aktres at asawang si Joseph Bonifacio. Noong isa pa lamang ang anak ay muntikan na raw gumawa ng teleserye si Rica. “Actually, the one that I really loved to do was before my second born, bago ako ma-pregnant sa kanya. I was offered a teleserye, I really want to do it, but I was trying for my second baby. So parang I had to choose na. Kasi if I took that project, hindi ako pwedeng magbuntis for a year or more. So, I prayed about it, baby talaga ang nauna,” kwento niya.
Aminado naman si Rica na talagang hinahanap-hanap na niya ngayon ang trabaho sa harap ng mga kamera. “I missed working with amazing people. To work with the great ones in the industry. Learning from them being able to surround myself with highly skilled people. I missed also being adventurous, being thrown all over the world, ‘di ba just to do the work,” pagtatapos ng aktres.
Yeng, magme-mentor
Napili si Yeng Constantino bilang global ambassador ng Academy of Rock school kamakailan. Para kay Yeng ay mahalagang magkaroon ng formal training ang isang nagsisimula pa lamang na artist o performer. “Naniniwala po talaga ako na iba pa rin po kapag merong nagtuturo or may training sa school. Kasi po dati no’ng nag-start ako sa industry, ang akala ko no’n ay mainam na ako. Kasi nag-start ako singing contest from 9 years old to 15 years old. From 16 naman, 17 and 18 nagbabanda na ako sa Marikina. So parang in a night I will sing 30 songs. So ang feeling ko noon ay ang galing-galing ko na. But when I got into the industry do’n ko na-realize na sobrang kulang pa pala even meron na akong natural talent, hindi pa rin eh. Maswerte lang ako na after I won Pinoy Dream Academy, Direk Lauren (Dyogi) and Pinoy Dream Academy production nag-hire po sila ng vocal teacher and even performance teacher for me. So kaya po ako mas naging refine as performer po kasi we had to, kaya po naniniwala talaga ako sa training,” paliwanag ni Yeng.
Magsisilbi rin bilang isa sa mga mentor ang singer-songwriter para sa mga magte-training sa Academy of Rock. “Ang mga Pilipino talaga ang gagaling magsulat pero iba pa rin po talaga kapag meron kang kasama na community na magba-bounce back ‘yung ideas mo. Magkakaroon po kami ng music camp at isa po ako sa mga magme-mentor do’n kaya abangan n’yo po ‘yon. Alam ko po ang pakiramdam ng pagiging upcoming musician. Kaya ko pong ilagay ‘yung sarili ko sa sitwasyon nila na ‘yon at alam ko po kung ano ‘yung dapat ibigay ng isang mentor,” pagbabahagi singer-composer. Reports from JCC