Kinasusuklaman ng staff and crew ang isang male TV host dahil sa pangit na ugali at treatment nito sa kanila.
Pero kapag celebrity o may pangalan ang guest sa kanilang show, sobrang magiliw at mabait ni male host kaya sinasabihan siyang plastic ng staff and crew.
Eh kung makautos daw sa staff and crew si male host, pasigaw at gusto agad-agad na gawin! At kapag na-delay ang staff and crew ng ilang minuto na hindi napagbigyan si male host, super talak na siya, huh!
Kaya ang staff and crew na madalas bulyawan ng male host, gusto nang lumayas sa show at irekomendang ipako sa krus ngayong Mahal na Araw si male host dahil sa pangit nitong ugali, huh!
“Hindi na nga kaguwapuhan, super yabang at plastic pa!” reklamo ng isang staff.
Ashley, tatlong taon nang magsimulang mag-skating
Three years old pa lang ang Kapuso artist na si Ashley Ortega eh nag-aaral na siya ng figure skating.
Marami na nang sinalihang kumpetisyon si Ashley kaya more or less eh may 80 medals na siyang nauwi mula sa pakikipaglaban sa ibang bansa gaya sa Thailand, China at iba ang Asian countries.
Kaya naman nang i-offer ng GMA na siya ang lead actress ng Hearts On Ice kung saan magagamit ang kaalaman sa figure skating, “Naiyak talaga ako at the same time, grateful. Ibinigay nila sa akin ang project matagal ko nang pangarap!”
Eh bonus pa na si Xian Lim ang kapareha ni Ashley, huh!
“Super fan girl ako nang malaman ko. Hindi pa ako artista eh pinanonood ko na si Xian.
“Super guwapo at sobrang charming. Ang bait-bait pa!” ani pa ni Ashley nang humarap sila sa mediacon ng GMA series na magsisimula na sa March 13 sa GMA Telebabad.