Naka-chika ko ang naging friend namin at nag-ikot sa amin sa Paris two weeks ago, si Roni.
Aniya, lahat ng naging client niya, laging nagtatanong about Heart Evangelista pagdating sa City of Lights.
At since matagal na siyang wala sa Pilipinas at hindi na familiar sa showbiz, 30 years na siyang nagwo-work sa Paris kasama ang pamilya at ngayon nga ay may sarili siyang transport business doon, ni-research niya si Heart at kung saan ito pumupunta sa Paris para laging handa siya sa mga tanong ng client.
Gulat si Roni dahil bukang-bibig daw si Heart ng mga nagiging pasahero / client niya especially ang mga Pinoy at kahit nga raw ibang mga foreigner ay tinatanong ito.
Ngayon din ay may idea na siya kung saan ang sinasabing nabiling apartment nito (Heart) sa Paris.
Divided sa 20 Districts ang Paris – parang municipalities sa atin.
At dahil nagtanung-tanong daw siya, alam na niya kung saang District ang diumano’y apartment ni Heart dahil na rin sa pang-uurirat namin.
Ang nasabing district na binanggit niya ay may ilang Asian celeb din daw na nakatira.
Ang ganda ng area sa totoo lang. Parang iba’t iba ang vibe ng bawat district sa Paris at doon sa nabanggit niya na area ni Heart ay pang-celebrity nga.
‘Yun ay kung tama ang naging research niya.
Hahaha.
But anyway, ang isang sure, big name talaga si Heart sa Paris.
Ngayon nga lang, lahat yata ng luxury brand invited siya para sa ginaganap na Paris Fashion Week.
Pero ang napansin ng ibang followers niya, mas pumayat pa ito at buto’t balat na lang. Naubos na raw ata lahat ng taba kaya talagang bagay ang mga sinusuot niyang branded.
May mga inggit as usual dahil international na talaga ang image niya, particulary in Europe, pero meron din namang parang naawa na kay Heart dahil baka hindi na raw siya magka-baby dahil kailangan niyang i-maintain ang status at ang ganung katawan na tiyak na super strict diet.
But, anyway, kanya-kanyang happiness naman ang buhay at kung ang nagpapasaya sa kanya ay ganun, ang pagiging trendsetter, gow lang.
Si Senator Chiz Escudero kaya kumusta naman? Hahaha.
Anyway, Paris is always a good idea sabi nga. Kahit nakarating ka na, parang ‘di nakakasawang puntahan.
Normal na normal na ulit ang lahat. Parang hindi nagkaroon ng pandemic.
Ang lagi lang paalala sa mga turista, mag-ingat sa mandurukot na problema sa buong Europe.