Sari-sari na ang kuwento tungkol sa takeover diumano sa management ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.).
Pero ang pinakaapektado sa lahat, ang manonood ng Eat Bulaga kaya naman kahapon ay trending ito though hindi na live ang buong episode. First part lang pala nito ang live para sa birthday ni Maine Mendoza.
Sa ngayon daw talaga ay tuloy pa ang pag-uusap sa pagitan nina Mr. Tony Tuviera at camp ni former Zamboanga del Norte congressman Romeo Jalosjos na major shareholder ng TAPE.
May mga kailangan daw i-settle tungkol sa usapin sa suweldo matapos ang general assembly ng buong kumpanya.
Pero ang hindi pinaniniwalaan ng lahat ay ang sinasabing diumano’y nalulugi ang Eat Bulaga kaya’t kailangang magbawas diumano ng suweldo ang lahat.
Kaya’t maraming nagtatanong kung paano raw mangyayari ‘yun samantalang literal na siksik, liglig at umaapaw ang commercial nito.
Mishandled diumano ang sinasabing rason ng bagong management kaya’t kailangang diumanong gawin ‘yun.
Wala pang kahit sinong naglalabas ng kahit anong statement at nanggagaling lang ang mga info sa ilang staff ng programa na disgusted raw sa mga pangyayari.
Anyway, totoo kaya na inihahanda na ng Net 25 ang programa for Tito, Vic Sotto and Joey de Leon?
So confirmed na kaya na aalis na talaga sila sa Eat Bulaga?
Samantala, mabilis naman ang reaction ni Joey de Leon kahapon, “Actually, natatawa at natutuwa ako sa mga pangyayari kasi pinag-uusapan pa rin kami hanggang ngayon! Thanks! @helenstito @pauleenlunasotto.”