Totoo kayang nagka-’trauma’ ang isang actress sa Hermes / Birkin bag?
‘Di raw kasi nito namalayan na nabentahan siya ng kanyang online shopper ng mga Class A Birkin.
Mga Birkin bag ang lagi nitong bitbit sa mga social media posting niya noon at kumbinsido naman ang fans and followers ni actress na legit / genuine ang mga nasabing bag niya dahil afford naman talaga nitong si actress na bumili ng nasabing brand ng bag. Kahit pa nga siguro lahat ng color kaya niyang bilhin ng cash.
Pero may isang ‘authenticator’ daw ang naka-identify na may fake Hermes / Birkin si actress.
At doon na raw na-realize ni actress na hindi pala genuine ang majority sa mga na-aquire niyang investment bag, kundi replica lang.
Lately, hindi na raw Hermes ang mga bag ni actress. Branded pa rin pero hindi nga Birkin.
Iba naman ang naalala kong kuwento tungkol sa isang actress na nagbenta ng mga Birkin bag niya nang maghiwalay sila ng kanyang ex husband.
Super cheap daw ang benta nito sa isang kakilala ng mga naipon niyang Birkin dahil kailangan noon ng actress ng pera.
Na dahil pala sa mga bag ‘yun ng actress kaya hindi nakaipon ang aktor.
Pero dahil daw sa inis ng actress sa ex na actor, super mura lang nitong binenta ang mga Hermes na ngayon ay nagiging status symbol ng mga socialite / social climber.