^

PSN Showbiz

‘Mga litrato ng pagkain, nakakabudol’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Mga litrato ng pagkain, nakakabudol�
Lolit Solis at mga kaibigan
STAR/File

Dahil nga bihira akong umabas at walang happening, naging addict ako sa mga pagkaing inoorder online, tinatawagan sa phone at delivery.

Naku isang type na type namin ni MJ ang Mang Inasal Chicken. Talagang halos three times a week, ito ang order namin. Ewan ko ba dahil nagsawa kami sa fried chicken ng KFC, sa grilled chicken ng Mang Inasal kami napunta.

Saka mabait delivery service nila, on time at magalang.

Bongga nga dahil reasonable ang presyo kahit pa nga nagmahal na ang chicken sa market.

Talagang dahil nauso ang order at pa-deliver na nag-umpisa noong pandemic ang dami ko talagang na-discover na pagkain. Wala akong ginawa kundi mag-scroll sa phone ko ng ads sa pagkain.

Minsan nakakabudol ‘yung photos na parang ang sarap-sarap, pero pagdating hindi naman. Minsan ang layo pala kaya ang mahal ng delivery.

Naku dami talagang experience na binigay ang pandemic sa ating lahat. Talagang lifetime memories na dapat nating i-treasure. In one click ang dami nabago sa paligid natin.

Kaya naman dapat lang talaga na lahat ng bagay sa buhay natin nakatatak sa ating memory box, and treasure our precious time. 

Kylie, nag-senti 

Ang bongga naman ni Kylie Padilla. Parang bumalik siya sa pagkabata nang makasama ang tatay na si Robin Padilla sa isang shooting range.

Naging sentimental daw ang aktres nang maka-bonding niya ang ama na action star sa isang training session sa paggamit ng baril. Siguradong na-miss niya ang mga ganitong bonding kasama si Robin.

Ipinost din ng actor-pulitiko ang target shooting training sa kanyang social media account. Tinuruan niya ang anak ng tips at mga sikreto sa pamamaril nang may kumpiyansa. Ibinahagi rin niya kung gaano niya ipinagmamalaki ang anak sa ginawa nitong stunts sa megaserye. Bongga.

vuukle comment

KFC

KYLIE PADILLA

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with