Jomari, namanhikan sa pamilya ni Abby

Jomari at Abby
STAR/ File

Namanhikan si Coun. Jomari Yllana sa pamilya ni Abby Viduya.

Oo nga at pareho na silang nagkaroon ng kanya-kanyang pamilya bago nagkabalikan, dumaan sila sa traditional way bago pakasal.

Sa post ni Jomari at Abby ay makikitang andun ang kani-kanilang pamilya.

“Yllana-Viduya Family The sweetest thing my husband to be has ever done is ask my Mom for my hand in marriage. I love you so much #pamamanhikan #bridetobe #loveourfamily,” ang caption ni Abby.

At least, hindi sila nakikisali sa modern way na sa chat group na lang nag-a-announce ng kanilang engagement o panghihingi ng kamay sa pakakasalang babae.

Show comments