Anak nina John Lloyd at Ellen parang gusto na agad kumita ng datung

Elias
STAR/ File

Vlogger na agad ang peg...

“He looks exactly like his dad,” ang majority sa comment sa video ni Elias habang kunyari ay vlogger siya. Ipinapakita nito ang kanyang toy guns kasama ang yaya.

Ang mommy niyang si Ellen Adarna ang nag-post ng nasabing video na nakuha niya raw sa iPad at gustong ipa-post ni Elias.

“One of his videos i found on my iPad. He wants his own youtube channel FYI - he told me to post this. #dontgrowupsofastbaby “and i also exercise” #muragkorek #4yearsold,” caption ni Ellen sa nasabing video.

In all fairness, alam na ni Elias ang concept ng vlogging sa nasabing video niya.

Aware rin kaya ang bagets na malaki ang kinikita sa pagba-vlog?

At sikat pa ata ang ibang vlogger lately pero marami rin namang hindi nakakakilala sa kanila.

Anyway, bukod sa daddy John Lloyd Cruz ni Elias, real daddy figure rin sa kanya si Derek Ramsay kaya swerte ang bata.

Show comments