^

PSN Showbiz

Martin, pinigilang mag-ampon!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Martin, pinigilang mag-ampon!
Martin
STAR/ File

Napapanood na ulit ang pagtuklas at paggabay nina Rockstar Royalty Bamboo, Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan, at Philippines’ Concert King Martin Nievera sa mga kabataang nangangarap na maging sikat na mga mang-aawit sa The Voice Kids na nag-umpisa na nung Sabado, at Linggo (Peb 25 & 26).

Ayon kay Bamboo, na isa sa mga orihinal na coach ng programa, excited siya sa bagong kabanata ng The Voice Kids, kung saan karangalan niyang maging coach kasama sina KZ at Martin. “I do miss them [former coaches] a lot. Those were my guys as well. But I do look forward to this season. It is a new day,” niya sa isang panayam sa  TV Patrol.

Handa na rin sina KZ at Martin para sa matinding hamon sa pagtutok sa mga bagong talent na balang araw ay magpapatuloy sa OPM brand. “I have very big shoes to fill. Medyo, mabigat ‘yung responsibility,” pag-amin ni KZ dahil nauna sa kanyang umupong coach sina Lea Salonga and Sarah Geronimo.

Dahil isang talent search program ang The Voice Kids, kailangan ding harapin ng coaches ang unti-unting pamamaalam ng mga contestant sa bawat yugto ng kompetisyon na magiging mabigat sa kanilang mga puso.  “Everyone knows how soft my heart is so I am really preparing myself. I might bring an extra heart,” sabi ni Martin.

Samantala, hosts naman sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo ng bagong season na inilarawan ni Robi bilang “kakaiba, pero exciting.”

Nag-post naman sa social media si Bianca para ilabas ang kanyang nararamdaman ngayong bahagi na siya nito. “Still honestly incredibly surreal. Honored, happy, grateful, nervous, excited, halo-halo na,” pahayag ni Bianca sa kanyang Instagram.

Kabilang din sa mga bagong aabangan ng viewers ang pagiging hosts ng The Voice Kids DigiTV nina The Voice Kids season 2 champion Elha Nympha at The Voice Teens finalist Jeremy G na makikipag-kwentuhan sa mga young artist.

Anyway, first time ni Martin na magiging coach sa The Voice Kids kaya may konting adjustment siya.

Maalalang nang maging coach sa X Factor Philippines ang original concert king ay pinatira niya pa sa kanyang bahay ang mga contestant na mine-mentor niya.

But this time ay hindi pwede dahil pinipigilan daw siyang i-adopt ang batang ico-coach nila dahil 18 ang member sa kanyang MarTeam sa unang round.

Actually, willing daw talaga siya pero lahat ng mga kasama niya ay pinipigilan siya dahil bukod sa mga bata, tiyak aniya na kasama ang mga magulang nito.

“Ang problema lang dito sa The Voice Kids pag na-adopt ko sila kasama ang mga magulang. So hindi kasya at magastos,” sabay tawa ni Martin nang maka-chika nga namin kahapon sa opening ng bagong branch ng Tiong Bahru (Hainanese Boneless Chicken Rice of Singapore) restaurant sa Alabang Town Center na ang isa mga owner ay si Ms. Kathryna Yu-Pimentel.

Pero aminado ang actor na mas mahirap i-coach ang mga bata dahil sensitive pa ang feelings.

Unlike sa X Factor na matured na ang mga contestant at madaling natanggap ng mga ito kung anuman ang mga sasabihin niya bilang coach.

MARTIN NIEVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with