Para walang flop...
Tiyak na aabangan itong Metro Manila Summer Film Festival dahil first time itong gagawin ngayon.
Dapat ay nung 2020 pa ito na pinangunahan ni Sen. Bong Go, pero hindi natuloy dahil sa pandemic.
Kaya curious kami kung ano ang magiging partisipasyon dito ni Sen. Go at pati na rin si Congressman Dan Fernandez na active rin tuwing MMFF.
Nagpapasalamat ang Executive Committee ng MMFF dahil naging madali sa kanila ang screening ng 33 entries na isinumite. Nakipagtulungan sa kanila ang CEAP o Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), sa pagpili ng walong official entries ng 1st MMSFF.
“Alam ng CEAP ang pulso ng mga manonood at ilan po sa kanila ang members ng Selection Committee,” pakli ni Boots Anson Roa-Rodrigo na chairperson ng Screening Committee.
“So in consultation with them and in consultation with others, even prior to deciding on the summer film festival, si Chairman (Don) Artes po at ang ExeComm ay nagkonsulta po about the timeliness of coming up with a summer film festival, and films of this nature,” dagdag niyang pahayag.
Sa April 2, Palm Sunday na raw ang parada at hindi na iyung unang napagkasunduang schedule na April 1.
At sa buong Semana Santa, maaring sisingit ng promo pero hindi rin yan katodo dahil nasa bakasyon pa ang karamihan.
“We’re also very fortunate that the producers have affirmed their full support in marketing and promoting their films. Not only for their own particular film, but for the MMFF Summer festival as a whole.
“We’re very fortunate that we have a Marketing Committee that’s very active, that we have Noel (Ferrer) and we work very closely with you, members of the press who remain faithful conduits to our public in the past years,” sabi pa ni Ma’am Boots nang nakapanayam sa nakaraang announcement ng walong pelikulang kalahok.
Sa walong pelikulang kalahok, drama at love story ang karamihang entries.
Walang horror films at fantasy na malakas sa mga bata tuwing December. Kaya napupulsuhan na nilang iba talaga ang crowd ng pang-Summer, kaya tingnan natin kung effective nga ito.
“Marami po talaga ang nag-submit na youth-oriented films. Pero sadly, iyun pong iba sa kanila, hindi po na-meet iyung standards based on the criteria that we are following.”
Sabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, wala raw silang nai-set na target kung magkano ang kikitain sa buong filmfest.
“So wala po tayong basehan kung ano po yung magiging result. Ang masasabi ko lang po, sana po iyong pagtanggap ng mga tao doon sa December 2022 MMFF natin ay maging ganun din po ang pagtanggap at pagtangkilik, pagsuporta ng mga manonood dito sa summer film festival,” saad pa ni Atty. Artes.
urduja, ginamitan ng virtual production
Nag-trending ang hashtag na #MCIEndingYarn nung Biyernes at hanggang kahapon dahil sa talagang pinag-usapan ng netizens ang pagtatapos ng Maria Clara at Ibarra.
Isinabay ito sa kanilang farewell party na dinaluhan ng karamihang cast ng megaseryeng ito.
Natapos itong MCAI na pinasikat ang tandem nina Barbie Forteza at David Licauco.
Kaya posibleng masundan ito at magkaroon ng kasunod na project ng FiLay tandem nina David at Barbie.
Sa darating na Lunes, February 27 ay magsisimula na ang papalit sa timeslot nila, itong Mga Lihim ni Urduja nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez.
Mataas din ang expectations namin sa isa rin sa megaserye ng GMA 7 dahil sa trailer pa lang, ang lakas na ng dating.
Proud ang bumubuo sa bagong seryeng ito dahil parang pelikula talaga ang quality.
First time nilang ginamitan ng Virtual Production System at ngayon lang ito mapapanood sa Philippine television.
Sabi nga ng isa sa directors nitong si Ralfh Malabunga, talagang ni-level up ng GMA 7 ang bawat programa nila.
Pagkatapos ng Lolong at Maria Clara at Ibarra na talagang maganda ang quality, iba rin itong handog nila sa Mga Lihim ni Urduja.
“GMA is now putting forward the creativity and artistry of its talents forward, rather than just quantity.
“If you can see naman, tuluy-tuloy na po yung programa ng GMA na talagang binubusisi, pinupusuan ‘di ba? Hindi na minamadali. Kasi nga po, nandun na tayo nung pandemic nga, tama po kayo, nakita na natin na maganda na lahat e.
“Sa ibang bansa, ang series nila parang pelikula na rin. So, ako talaga sa puso’t kaluluwa ko, bakit hindi rin tayo.
“So eto po ‘yung entry namin na makatulong sa industriya na sana makusad din tayo sa bago…sa tingin ko, it’s a new era of entertainment.
“So, I hope we’ve arrived,” pahayag pa ni direk Ralfh Malabunga.