Migs Bustos, gagawing maaksyon ang umaga

Migs Bustos

Mas madali nang kilalanin ang mga atletang Pinoy na nagbibigay ng karangalan sa bansa pati na ang iba pang mahuhusay na atletang dapat makilala ng publiko dahil makikipagkwentuhan si Migs Bustos sa iba’t ibang atleta tuwing Huwebes sa bagong sports segment ng TeleRadyo Sakto na Tara, Game!

Sa Tara, Game! makakausap ni Migs ang mga atletang Pinoy dahil misyon niyang maging entablado ang segment hindi lamang para sa sports stars, kundi para rin sa mga atleta o mga koponan na kailangan pang makilala ng publiko.

“Hindi natin alam, merong sobrang galing na atleta from Visayas or Mindanao. ‘Yung the next James Yap or Hidilyn Diaz na nagsimula from humble beginnings. Tayo ‘yung may platform para ikwento ang storya nila,” kwento ni Migs.

Umaasa rin siyang makakapulot ng magagandang aral ang mga manonood mula sa mga kwento ng mga atletang itatampok niya.

Hindi naman maitago ang kasiyahan ng Sakto trio nina Amy Perez, Johnson Manabat, at Jeff Canoy sa pagiging parte ni Migs sa kanilang pamilya.

“Napakahalaga ng espasyong binibigay ni Migs para sa sports, lalo na sa panahon na maraming atleta ang nagtataas ng bandila natin sa buong mundo,” sabi ni Jeff.

‘Excited’ naman si Tyang Amy na may sports segment na sila, habang si Johnson naman ay inaabangan pa ang mas maraming good vibes sa set kasama si Migs.

“This is a collaboration between ‘Sakto’ and ABS-CBN Sports Digital and we are happy na makapag-work together ang dalawang platform para mapalakas ang sports sa ABS-CBN at Pilipinas,” dagdag ni Migs.

Show comments