Totoo palang hindi funny ang pelikulang Easter Sunday ng Pinoy stand-up comedian na si Jo Koy.
Oo nga at magaling siyang stand-up comedian at nakakapuno nga raw ito ng stadium pero pagdating sa pelikulang ito hindi niya napatawa ang ibang manonood.
Pero nagtuturo naman ito ng iilang aral kung paano ang buhay ng isang pamilya nag-migrate sa Amerika.
Nakakahinayang dahil ito na sana ang chance para sa buhay ng mga Pilipino na ipakita pero iba rin kasi ito kesa sa totoong buhay naman ng ibang mga Pinoy.
Ang laking production nito pero kahit ang mga nakasama niya sa pelikula ay hindi gaanong magagaling umarte.