^

PSN Showbiz

Kris, nabawasan ang sakit!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, nabawasan ang sakit!
Kris
STAR/ File

Magandang balita na nabawasan na raw ng isa ang maraming sakit na dinadala ni Kris Aquino  sa katawan. Buto at balat na lang nga si Kris Aquino kaya ‘yung balita na nabawasan ang sakit niya kahit isa lang maganda ng balita para sa lahat.

Kasi nga kahit ano pang sabihin, Kris Aquino is Kris Aquino, timeless ang kanyang epekto sa lahat. Gusto rin ng marami na matagpuan ni Kris ang happiness sa isang relasyon na sana ay matagpuan na niya. Kahit ano pang sabihin, for us, Kris Aquino is worth loving dahil mabait siyang tao. Sana maging happy ka na forever, Kris, para bongga.

Mga pasyenteng kinakapos sa pera, nasasakripisyo ang pagpapagamot

Talagang nakaka-sad ‘pag naririnig mo na merong mga pasyente na hindi nagagawa ang medical procedures dahil may problema sila sa financial. Nakaka-sad dahil nakikita mo na talagang pinipilit nilang mabuhay pero hayun nga, kinakapos kung minsan sa pera.

Talaga yata kung minsan ang dami mong papasukin, at lalagpasan para mabuhay. Sana nga kahit pa mahirap ‘pag nalagpasan nila mas maging mabuti na ang buhay nila. Mas maging maayos na at maging magaan ang haharapin nilang buhay.

Kung minsan nga kaya ayaw kong dumarating nang maaga dahil naririnig mo ‘yung mga problema ng ibang pasyente. Kalungkot pero talagang ganun ang buhay. Kailangan lang talagang matibay ka. Life is really a mystery.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with