^

PSN Showbiz

Coco, napapabayaan na ang pag-arte

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coco, napapabayaan na ang pag-arte
Coco Martin

Bukod sa pagiging pangunahing bida ay si Coco Martin din ang isa sa mga direktor at producer ng FPJ’s Batang Quiapo. Nagsimula ang pagiging producer at director ni Coco sa pelikulang Ang Panday na isa sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival noong 2017. “Sabi ko noon sa sarili ko, gusto kong mag-direct. Kasi hindi ako nag-aral, wala akong alam sa lente. About sa technicalities mahina ako. Sabi sa akin ng mga kaibigan ko sa production, ‘Hindi importante kung alam mo ang lente, ang importante marunong kang magkwento. Alam mo kung paano dadalhin ang kwento mo.’ Sabi ko, tutal gusto ko mag-direct, di ako na rin ang mag-produce. Nilakasan ko na loob ko, kinapalan ko na mukha ko. Ako na nag-produce ng first movie ko, Panday. Nagtuluy-tuloy na, nag-Ang Probinsyano na ako,” pagdedetalye ni Coco.

 Aminado ang aktor na talagang mahirap na pagsabay-sabayin ang lahat ng kanyang mga ginagawa. “Ang hindi ko akalain, ‘yon pala ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa ko sa tanang buhay ko. Kasi sobrang hirap niya. Kasi akala ko, ‘di ba lahat, ‘Direk,’ ang sarap maging direktor. Hindi, kasi kapag nagkamali ka, hindi nagtagumpay ang proyekto mo, ikaw ang may kasalanan. Eh umaarte pa ako, ako rin ang creative. Ako rin ang nagbibigay ng kwento, ako rin nagbibigay ng lines. Sabi ko mali ang ginawa ko, pinahirapan ko ang sarili ko. Honestly, totoo naman kahit sinusumpa ko siya, iba ang fulfillment kapag nakita mo na ang finished product at naa-appreciate ng ibang tao ‘yung ginawa mo, ‘yung pagiging direktor. Iba rin siyempre ang pagiging aktor. Kabalikat nga ng ginawa ko ang nangyayari sa akin ngayon. Ang napapabayaan ko ang pag-arte ko. Lalo na ngayon ako pa ang produ­cer,” nakangiting paglalahad niya.

Aminado si Coco na nakararam­dam na rin ng sobrang pagod sa kanyang trabaho. Mahalaga umano na mahal ng isang tao ang kanyang mga ginagawa upang maging maayos ang lahat. “Gusto ko ginagawa ko, passion nga sabi nila. Ang nangyayari ay sobrang pagod lang pero ginusto ko naman ito. Lahat ay ipinagdasal ko. Dati tambay ako, ngayon sunud-sunod na blessing. So bakit ko tatanggihan, hanggang kaya ko,” pagtatapos ng aktor.

Karylle, babu na sa showtime

Masayang-masaya si Karylle dahil natupad na ang isa sa mga pinapangarap lamang niya noong siya ay bata pa. Magbibida ang singer at si Markki Stroem sa musical play na The Sound of Music. Si Karylle ang gaganap bilang si Baroness Elsa Von Schraeder habang si Rolf naman ang gagampanan ng actor-singer. “Imagine how I feel right now, I cannot contain my excitement. I guess when a childhood memory becomes a reality, you are transported back to that time when you first fell in love with musicals. This is the moment when my childhood dreams and reality meet. In the most bongga way,” nakangiting pahayag ni Karylle.

 Mapapanood ang Manila leg ng The Sound of Music mula March 7 hanggang 26 sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati. Bilang paghahanda ay kinakailangang iwanan pansamantala ni Karylle ang It’s Showtime. “I already filed my leave but for the rest of the cast, hindi ko pa na-explain ‘yung demands ng show. We’ve been planning our jogs around Circuit Makati to be in tiptop shape. And of course, the international touring cast, a first for me. I feel so good about especially seeing the excitement of everyone who is excited to experience The Sound of Music to keep that kid in them happy,” pagbabahagi ng It’s Showtime host. Reports from JCC

 

COCO MARTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with