^

PSN Showbiz

Ate Guy, namatay nang tatlong minuto!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ate Guy, namatay nang tatlong minuto!
Nora Aunor

Mas mataas pa pala ang rating ng guesting ni Sanya Lopez sa Fast Talk with Boy Abunda, kesa sa guesting ni Nora Aunor.

Nung nakaraang Biyernes sumalang si Sanya kay Kuya Boy Abunda at wala naman gaanong pasabog sa naturang interview.

Ibinahagi lang niya ang mga hirap na pi­nagdaanan nila ng kapatid niyang si Jak Roberto, bago nila naabot itong success sa kanilang showbiz career.

Naka-6.2 percent ang rating ng guesting ni Sanya. Pero ang kay Ate Guy ay 5.9 percent lamang.

Ang dami pa namang rebelasyon sa interbyung ‘yun ni Kuya Boy.

Ngayon lang niya ikinuwentong tatlong minuto raw siyang namatay kamakailan lang nung isinugod siya sa hospital.

Hindi lang idinetalye ang tungkol sa kanyang kasalukuyang karamdaman.

Kuwela rin ang kuwento niyang kaya si Susan Roces ang naging idolo niya dahil hindi raw niya naabot ang pisngi ni Amalia Fuentes para halikan ito.

Ibig sabihin, hindi yumuko sa kanya ang namayapang aktres para magpahalik.

Pagdating sa pamilya ay sinagot din ni Ate Guy, na nagkakaroon talaga sila ng mga ‘di pagkakaunawaan pero at the end of the day, nagkakaayos naman.

“Ang importante doon, nagkakausap kayo, nagkakaunawaan. Kung ano ‘yung pagkukulang ng anak, magbibigay ang ina.

“Kahit ano pa man ‘yun…sabi nga nila, nanay ka dapat na ipakita mo sa mga anak mo kung ano talaga ang tama.

“So, may mga pagkukulang, marami akong pagkukulang sa mga anak ko, pero pagka nagkikita naman kami, nasasabi ko sa kanila ang mga sama ng loob ko sa kanila, pinag-uusapan namin kung ano ang dapat gawin, nakikinig naman sila.

“Ang importante dun, nagkakausap kami,” saad ng original Superstar.

Kaya sinundan na rin siya ng tanong ni Kuya Boy ang tungkol sa isyu nila ni Matet de Leon kaugnay sa pagtitinda ng gourmet tuyo.

Aniya: “Siguro may pinagdadaanan din naman ako. Hindi ko naman alam na may pinagdadaanan siya, ang sa akin, nagkaroon ako ng ano… halika gumawa tayo ng tuyo na hindi ko alam na ikakasama ng loob niya na ano.

“So, ‘yun nagkaroon ng sama ng loob. Katulad ng sinabi ko kanina, importanteng nag-uusap,” sabi ng National Artist for Film and Broadcast Arts.

Leandro, lalaban sa Vivamax stars sa hubaran!

Ang saya ng tsikahan namin ng dating sexy actor na si Leandro Baldemor sa launch ng bagong endorsement nito na isang dietary supplement na tinawag nilang King Tut.

Ibinase nila ito sa kilalang pharaoh ng ancient Egypt na si King ­Tutankhamun.

Pinaikli lang ang tawag kaya naging King Tut, pronounced as ‘tat.’

Pero karamihan sa mga tao ay Tut ang pagkabigkas kaya hinayaan na lang nila para mada­ling matandaan ang pangalang King Tut.

Inilunsad si Leandro bilang kauna-unahang endorser ng King Tut na ginanap sa tanggapan ng Goldshine Pharmaceuticals ni Mr. Jaime Serato sa Quezon City.

Kaibigan ni Leandro ang may-ari nitong King Tut, nina Gren at Jhosia Guadamor, at bago pa siya inilunsad, sinubukan daw niya talaga ito.

At least natupad ang pangarap niyang maging endorser.

“Kasi po, ako po ay 26 years na sa showbiz. ‘Yun po, pangarap kong mag-commercial. Syempre, ang mga artista, gusto nilang mangarap din.

“Gusto nilang maging direktor, gusto nilang maging best actor, ganyan. Ako naman, pangarap ko ring magkaroon ng endorsement.

“E sabi ko, ano kaya ang magiging endorsement ko? Kaya tamang-tama, na lahat ng pagkakataon na nangyari at nagkaroon tayo ng kuwentuhan ngayon, lahat ito ay ibinigay ni Lord,”pahayag ni Leandro.

Miyembro pa si Leandro ng King Tut Riders Club na iniikot nila ang buong bansa sakay ang kanilang motorbike.

Kaya naiikot nila ito at napu-promote ang King Tut.

Sa aming pakipagtsikahan kay Leandro, napag-usapan namin ang tungkol sa pagpapa-sexy ngayon ng Vivamax actors.

Nagulat daw siya sa pagiging mapangahas ng mga artista ng Vivamax kung ikumpara sa pagpapa-sexy nila noon sa Seiko Films.

Ipinakiusap na lang niyang ‘off the record’ na lang ang iba pa niyang komento tungkol sa paghuhubad ng mga artista sa Vivamax.

Okay naman daw siyang tumanggap ngayon ng pelikula kagaya ng Vivamax.

“Talagang lalaban ako sa Vivamax! Magki-King Tut ako!” natatawa niyang pahayag.

Mag-27 years na si Leandro sa showbiz, at masaya siyang hindi naman siya nawawalan ng trabaho.

Katatapos lang niya ng afternoon drama na Nakarehas na Puso sa GMA 7, at may pelikula rin siyang kasama si Sid Lucero na baka pang-Netflix daw ito.

Pero tuloy pa rin ang paglililok niya, dahil ‘yun naman daw talaga ang hanapbuhay niya sa dami ng orders niya na ginagawa niya sa Paete.

Ito raw talaga ang bumubuhay sa kanyang pamilya, at nagpa-graduate sa panganay niyang anak, at pantustos sa pag-aaral ng dalawa pa niyang anak.

 

 

NORA AUNOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with