^

PSN Showbiz

Dolly, agaw-eksena kahit laglag sa BAFTA Film Awards!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Dolly, agaw-eksena kahit laglag sa BAFTA Film Awards!
Dolly de Leon

Nag-trending na naman sa Twitter ang magaling na aktres na si Dolly de Leon, pagkatapos niyang dumalo sa katatapos lang na BAFTA Film Awards na ginanap sa Royal Festival Hall sa London nung nakaraang Linggo, at Lunes dito sa atin.

Nominado si Dolly sa naturang prestigious award-giving body mula sa pelikulang Triangle of Sadness.

Hindi nga lang siya ang nanalo, at ang nagwagi rito ay si Kerry Condon ng pelikulang The Banshees of Inisherin.

Pero napansin doon ang Filipina actress at in-interview siya roon sa red carpet.

Sabi ni Dolly sa isang interview, “It means a lot to me. They say that I’m the first Filipina to be nominated, so it’s a huge honor for me. And to be able to also be part of a monumental film like Triangle of Sadness, I’m so proud to be here. Because it was such a great production and working with Ruben Ostlund and Platform Production, it was such an eye-opening for me and really help me grow as an actor. So, I’m really happy to be here.”

Proud pa rin tayo kay Dolly na na-penetrate niya ang mga ganitong award-giving body na inaabangan sa buong mundo.

Ang daming nakatutok dito sa BAFTA, lalo na’t dinaluhan ito ng Prince at Princess of Wales na sina Prince William at Princess Kate Middleton.

Nadedma nga lang si Dolly sa Oscar Academy Awards, pero ang dami pa ring nakapansin sa maga­ling niyang performance sa Triangle of Sadness.

Nanalo siyang Best Supporting Performer sa Los Angeles Film Critics Association, Guldbagge awards at North Dakota Film Society. Naging runner-up sa National Society of Film Critics at nakuha niya ang Breakthrough Performance Award sa Middleburg Film Festival.

Ang mga nakuha niyang nominasyon ay nagmula sa British Academy Film Awards, Golden Globe Awards, Greater Western New York Film Critics Association, Online Association of Female Film Critics, UK Film Critics Association, Columbus Film Critics Association, DiscussingFilm Critic Awards, International Cinephile Society Awards, London Film Critics’ Circle, Online Film Critics Society at Portland Critics Association.

Maganda ang sagot ni Dolly sa isang interview sa kanya sa red carpet ng BAFTA na kung ano ang leksyong dala nitong pelikulang Triangle of Sadness.

Aniya, “It sounds melodramatic, but the takeaway, just being kind to one another and treating everyone fairly and kindly as often as we can, regardless of their position in society, then the world would be a better place.”

Dave, ‘di makakalimutan si Cherie Gil

Kung may hindi magandang experience ang veteran actors sa mga sikat na young stars, may ilan ding mga batang artista na hinding-hindi makakalimutan ang mga natutunan nila sa mga magagaling na veteran stars.

Isa na nga rito ang magaling na Sparkle artist ng GMA 7 na si Dave Bornea.

Kabilang si Dave sa main cast ng pelikulang Oras de Peligro ni Direk Joel Lamangan na magsu-showing na sa mga sinehan sa March 1.

Bukod dito sa Oras de Peligro na nakagawa na rin si Dave ng ilang pelikula at drama series na pawang magagaling na veteran stars ang nakasama niya.

Kaya ang dami raw niyang natutunan sa mga magagaling na artistang ito na baon na niya sa mga susunod na projects na gagawin niya.

Nagpapasalamat siyang nakakatrabaho niya ang mga tipo nina Cherry Pie Picache, Dingdong Dantes, Allen Dizon, Cherie Gil, Rita Avila, Sunshine Dizon, at marami pa.

“Kailangan maayos ‘yung observation mo, and dapat ready ka mentally. Kasi ano siya e, sayang mga panahon kung idadaan mo lang siya. Kasi of course, ‘yung mga veteran actors na ‘yan ang dami nilang puwedeng ibigay e. I-contribute e. So, ‘yun lang po, ano lang siya, for me it’s a learning experience po and grateful na nakasama ko sila,” pahayag ni Dave nang nakatsikahan namin sa nakaraang mediacon ng Sparkle na ginanap sa Novotel Hotel nung nakaraang linggo.

Tinanong namin siya kung sino sa mga magagaling na veteran actors na may natutunan siya at hinding-hindi niya makakalimutan.

“Si Ms. Cherie Gil po,” pakli ni Dave.

Nakasama raw niya ang namayapang aktres sa Alyas Robinhood ni Dingdong Dantes, at first TV series daw niya ‘yun sa GMA 7.

Anak raw siya sa seryeng ‘yun ni Ms. Cherie Gil, at talagang pinagtiyagaan daw siyang tinuruan ng premyadong aktres.

“’Yun, sobrang dami niyang naitulong sa akin. Kasi dati, may problema kasi… ‘pag ako naramdaman ko ‘yung nerbyos, nanginginig ako. Hindi ko masyadong alam mo ‘yun… alerto. Hindi ako nakakaano agad, nakaka-respond agad.

“So, ‘yun in a good way, kinausap ako ni Ms. Cherie Gil nung time na ‘yun na huwag kang kabahan, okay lang ‘yan, ganyan talaga. Basta. For me, sobrang honored po ako na nakasama ko, nakatrabaho ko si Ms. Cherie Gil.

“Sobrang guided po ako. Kasi ‘yun nga, ‘pag nakita ko si Ms. Cherie na sa tingin natin intimidating, kasi nga ang lakas ng aura niya. Pero ‘pag nakausap mo siya, so sweet, and napaka-generous niya when it comes sa mga knowledge niya sa acting,” saad ni Dave Bornea.

vuukle comment

DOLLY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with