Tirso, lumipad pa-Germany!
Finale week na simula ngayong Monday ng GMA’s top-rating historical fantasy portal drama series na Maria Clara at Ibarra kaya nagpasalamat si Tirso Cruz III na gumanap bilang Padre Damaso na tunay na ama ni Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
Sa isang interview ay nasabi ni Chair Pip, kahit daw galit sa kanya ang mga manonood dahil sa kanyang role, binabati at nagpapa-picture naman daw sa kanya ang mga ito tuwing nakikita siya sa labas.
Tamang-tama naman na natapos na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman ang death scene niya sa serye, bago siya lumipad for Germany, para mag-attend ng 73rd annual Berlin International Film Festival (Berlinale). Kasama niya ang ilang members ng FDCP, at ang wife niyang si Lynn and daughter Djanin. Tatagal sila sa Berlin ng 12 days, from Feb. 16 to 26.
Ibinalita rin ni Chair Pip na for two years, wala palang naganap na Berlinale dahil sa COVID-19 pandemic. This year muling ibinalik ang festival and they added an award for best TV series. Ipinost nito na nasa Germany na siya kasama si Direk Joey Reyes.
- Latest