^

PSN Showbiz

Cesar, umiiwas na sa gulo

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Cesar, umiiwas na sa gulo
Cesar
STAR/ File

Ayaw nang makisawsaw ni Cesar Montano sa balitaktakan nina direk Joel Lamangan ng pelikulang Oras de Peligro at Martyr or Murderer.

Si Cesar pa rin ang gumaganap bilang si President Ferdinand Marcos, at natutuwa siyang ikinuwento sa aming gamay na niya ito ngayon kung ikumpara sa Maid in Malacañang.

Aware ang actor/director sa palitan ng pahayag, at pati si Cherry Pie Picache na bida sa Oras de Peligro ay may pahayag din laban sa MOM.

Sabi ni Cesar, ayaw na niyang makigulo pa.

Lalabas din naman daw ang katotohanan, at kahit paano ay nakatulong daw ito sa promo ng dalawang pelikulang magsasabay na ipalabas sa March 1.

Ani Cesar nang nakapanayam namin sa DZRH nung Huwebes: “It’s always advantage kasi pinag-uusapan ang dalawang pelikulang pareho e. Ang nakikita ko lang diyan, maganda ‘yan, marketing wise, promo wise.

“Ang nakakatakot diyan, hindi pinag-uusapan ‘yung pelikula mo, malapit ka nang ipalabas.

“That’s very positive. Nakakatuwa ‘yan. Good ‘yan para sa producer, sa Viva, sa amin, because pinag-uusapan ‘yung pelikula namin.

“Pareho ‘yan e. Two sides of the coin ‘yan e. Magbabanggaan talaga ‘yan. Magkaibang version ‘yan.”

Abangan na lang daw niya kung ano ang kahihinatnan nito, at makikinig na lang siya sa kung ano man ang sasabihin ng bawat isa.

“Para sa akin, makikinig na lang ako kung ano ‘yung dulo.

“Sabi nga ng scripture, the truth will set you free. Lalabas ‘yung katotohanan, mai-weigh natin sa dulo ‘yan.

“Ang masang Pilipino ang magtitimbang ‘yan, kung ano talaga ‘yung tunay na katotohanan. But, hindi natin madi-deny kung ano talaga ang katotohanan pagdating sa dulo. Lalabas at lalabas ang totoo pagdating sa huling araw ‘ikanga,” dagdag niyang pahayag.

Balak pala ni Cesar pagkatapos ng Martyr or Murderer ay tatrabahuhin na niya ang post production at ang release ng pelikulang The Blood Brothers na prinodyus at dinirek niya.

Kasama niya rito sina Victor Neri at Allan Paule.

“Kuwento ito ng IP, mga Indigenous People, kung papano nagsimula ‘yung ating lahi. Saan nangaling. Kung papano sila napahirapan, kung paano sila na-displace.

“Ka-partner ko rito ang CHED. Siya ang kasama ko rito, nag-produce ng pelikula,” pahayag ni Cesar Montano.

Sinundan na rin namin ng tanong si Cesar kung balak pa rin ba niyang balikan ang pulitika.

“Ako ngayon… kung ngayon ako tatanungin, mas gusto mag-artista, magdirek, magsulat kesa sa bumalik sa pulitika. Because I’m happy where I am right now. Basta mas masaya ako kung nasaan ako ngayon.

“Kung ngayon mo ako tatanungin. I live one day at a time kasi,” tugon nito.

Bukod sa Martyr or Murderer at Oras de Peligro, tuloy rin ang showing ng isa pang EDSA Revolution movie na version naman ni direk Vince Tañada ng PhilStagers Foundation.

Isang musical film na pinamagatang Ako Si Ninoy na magsu-showing naman sa mga sinehan sa Feb. 22.

Si JK Labajo ang gumaganap bilang si Ninoy Aquino, at kasama rin dito si Cassy Legaspi.

Nakatsikahan namin si Cassy sa mediacon ng Sparkle ng GMA Artist Center, at excited siya sa pelikulang ito.

Bukod sa first movie niya ito, musical film na pawang original songs ang kinanta nila, at live pa raw na pinakanta sa kanya ni direk Vince.

Pulitika pa ang tema na wala siyang ideya sa nangyari sa EDSA Revolution.

“To be honest po. I was very very hesitant to accept the role. But, for me I realized na it’s also a challenging role. A challenging project to be a part of, kasi nga po it’s politics.

“I just wanted to be a part of the film and I took interest because of my character in the story. Kasi ‘yung character ko po has important message to put out there that it’s very near to my heart. It’s a message that I’ve been wanting to put out myself but I did have an opportunity to do. So, when I received the inquiry for this movie, my character description, nag-yes agad ako. As in yes right away,” saad ni Cassy.

Pero walang kamalay-malay si Cassy na si JK Labajo ang kasama niya rito na nagkaroon ng isyu noon kay Darren Espanto na nali-link sa kanya ngayon.

Walang kamalay-malay si Cassy sa isyu ng dalawa, at nakuwento pa nga raw niya ito kay Darren.

“Ayun nga! D and I are very close. So, nakukuwento ko na ‘o you know I have a new movie, ganito ganyan.

“Tas, musical pa. And that time po si Darren was also doing a musical sa kabila.

“So, ‘yun sabi ko it’s so timely. Dedma lang po,” napapangiting pahayag ni Cassy.

Tinanong namin kung ano ang reaksyon ni Darren nang sinabi niyang si JK ang kasama niya sa pelikulang ito.

“No po. Dedma lang po talaga. He was very like… it’s just about me. Like, doing my first movie, and my first musical pa,” dagdag niyang pahayag.

Kasama rin ni Cassy dito ang una niyang naka-partner sa GMA 7 na si Joaquin Domagoso.

Kahapon ay nagkaroon ng press screening itong Ako Si Ninoy na ginanap sa Power Plant, na dinaluhan ng stars ng naturang pelikula.

CESAR MONTANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with