Bamboo at Martin, may collab sa ASAP OPM party

Martin at Bamboo
STAR/ File

Humanda na sa isang malakihang OPM party, tampok ang mga proudly Pinoy pasabog ng inyong paboritong Kapamilya stars at samu’t saring guest artists ngayong Linggo (Pebrero 19) sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ipagdiwang ang talento ng ating kabataan sa collab ng The Voice Kids coaches na sina Bamboo at Martin Nievera kasabay ang young singers na sina Esang de Torres, Vanjoss Bayaban, Joshua Oliveros, Sassa Dagdag, Heart Salvador, at Amy Nobleza.

Abangan din ang new single performance ng trending OPM singer at dating The Voice Kids contestant na si Zack Tabudlo, habang may hatid muling matinding hip-hop treat si Gloc-9 kasama sina Bailey May, Sheena Belarmino, Fana, Janine Berdin, Jameson Blake, Jeremy G, at Joao Constancia.

Makirakrakan naman sa paborito ninyong OPM rock hits kasama ang buong puwersa ng Itchyworms at 6Cyclemind kasabay sina Nina, Nyoy Volante at ang buong ASAP family kasama si Robi Domingo. May trending Pinoy hits kantahan din sina Belle Mariano, AC Bonifacio, at Maris Racal.

Hahataw naman sa dance floor ang global Filipino dance acts na sina AC, Urban Crew, at Power Duo.

Samantala, tuluy-tuloy rin ang OPM fest sa bigating Super Divas biritan nina Zsa Zsa Padilla at Regine Velasquez kasama rin sina Angeline Quinto, Jona, Sheryn Regis, Kyla, Bituin Escalante, at Katrina Velarde. Pakatutukan din ang fresh collab nina John Roa at Popstar Royalty, Sarah Geronimo.

At huwag palampasin ang bigay-todong exchange hits sing-off nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Erik Santos, Ogie Alcasid, and Regine Velasquez sa The Greatest Showdown.

Tara at makisaya na sa all-Pinoy concert party ng longest-running musical variety show sa bansa, ASAP Natin ‘To, ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWant­TFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Show comments