^

PSN Showbiz

Poppert bernadas at Regine Velasquez, nagsama para sa bitaw

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Poppert bernadas at Regine Velasquez, nagsama para sa bitaw
Poppert Bernadas at Regine Velasquez

Magka-duet ang dating The Voice Philippines Season 2 contestant na si Poppert Bernadas at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa bagong labas na awitin na pinamagatang Bitaw.

Ipinrodyus ni Poppert at ng A-Team ang kanta na umiikot sa pagkakaroon ng taong magpapaalala na bitawan ang mga negatibong bagay na nakakaapekto sa sarili.

“It’s ok to let go especially if you know you’re at the losing end. It suggests that even if it’s difficult, while it is still early, protect your heart from all the hurt and pain by letting go,” saad ni Poppert sa naging inspirasyon niya sa paggawa ng kanta na inilunsad ng Star Music.

Naisakatuparan ang kanilang duet nang mag-offer si Regine na pumalit sa orihinal na collaborator ni Poppert matapos itong mag-back out dahil sa magkaibang schedule. Ayon kay Poppert, hindi niya inakala na makakasama niya si Regine sa isang awitin.

“I am amazed how she works during our recording, kasi binigay niya lahat! It took almost two hours to record her part. Since she was very invested to the song, she added some vocal background to it,” sabi ni Poppert. “Never in my wildest dreams na maka-collab ko ang nag-iisang ‘Songbird’ si Ms. Regine Velasquez #dreamsdocometrue.”

Bukod sa kanyang musika, nakilala rin si Poppert sa kanyang pagganap bilang Rio sa ABS-CBN teleserye na Ang Sa Iyo Ay Akin at bilang Kanor sa Starla. Naging bahagi rin siya ng hit musical na Rak of Aegis kung saan gumanap siya bilang Kenny.

Isa rin siya sa tatlong male theater performers na nanguna sa Cultural Center of the Philippines concert series na Triple Threat: Three Tenors noong 2022. Si Poppert ay nasa ilalim ng management ng A-Team ni Ogie Alcasid at ng Star Magic.

GMA Network, pumalo sa 30M ang subscribers sa YT

Nagkaroon ng isa pang milestone ang GMA Network matapos nitong magkaroon ng 30 million subscribers sa kanilang YouTube channel ngayong 2023.

Ayon pa sa YouTube Analytics, sa kasalukuyan ay mayroon na itong 28,611,312,103 lifetime views as of January 2023.

Akalain mo ‘yun, noong 2016 ay 100,000 subscribers lang sila. Mula noon, wala pang isang taon ay naging 1 million na ang subscribers nito! Nong 2019 naging 10 million ang subcribers ng GMA, at naging 20M ito noong 2020. At eto na nga at umabot na sila sa 30M!

Mapapanood ang mga programs na ito sa Kapuso Stream at Stream Together, (limited video-on-demand projects,) sa YouTube channel ng GMA.

Ang Kapuso Stream ay ang first continuous live streaming service ng GMA Network sa YouTube kung saan mapapanood sa live streaming ang GMA Afternoon Prime and GMA Telebabad programs.

 

POPPERT BERNADAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with