^

PSN Showbiz

MTRCB, naglabas ng pahayag sa kontrobersyal na eksena sa Batang Quiapo!

Pilipino Star Ngayon
MTRCB, naglabas ng pahayag sa kontrobersyal na eksena sa Batang Quiapo!

MANILA, Philippines — Naglabas ng pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pangunguna ni Chair Lala Sotto tungkol sa concern ng Lanao del Sur 1st District Representative Congressman na si Ziaur-Rahman Alonto Adiong sa portrayal ng Muslim characters sa programang Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. 

“The MTRCB recognizes the concern of the Honorable Ziaur-Rahman Alonto Adiong regarding the depiction of Muslim characters in the program, “Batang Quiapo.” It is mindful that discriminatory and offensive portrayals of Filipino Muslims harm our Muslim brothers and sisters and also runs counter to the call of President Marcos, Jr. for national unity.”

Naging misleading daw ang episode noong Feb. 14 kung saan ipinakita nila na okay lang daw na magnakaw ang karakter ni Coco na kinupkop ng isang Muslim na ginagampanan ni Rez Cortez basta’t ginagamit niya ito sa pagtulong sa mga tao. Kung habulin pa raw siya ng mga pulis sa susunod ay tumakbo lamang daw ito sa kanila.

Hindi raw ito nagustuhan ng Muslim community dahil kailanman ay hindi nila kinukunsinti ang pagnanakaw na mahigpit na pinagbabawal sa Islam.

Mabilis namang nag-issue ng public apology ang production team ng programa sa mga nasaktan nilang Muslim.

“Nais naming humingi ng taos-pusong paumanhin sa mga manonood lalo na sa mga miyembro ng Muslim community na nasaktan sa isang eksena ng “FPJ’s Batang Quiapo” na umere noong Pebrero 14.

“Nauunawaan namin ang mga nagpahayag ng opinyon at damdamin tungkol dito at sinisiguro namin na walang masamang intensyon ang programa na diskriminahin, saktan o ilarawan ang ating mga kababayang Muslim sa negatibong paraan.

“Nangangako rin kaming maging sensitibo sa paghahatid namin ng kwento ni Tanggol at ng kanyang komunidad sa teleserye.”

Nanghingi na rin daw ng paumanhin ang CCM Film Productions sa MTRCB at nangakong makikipagtulungan sa kanila para maiwasan na ang mga ganitong pangyayari sa susunod. Inaayos na raw ng ahensya sa kasalukuyan ang TV at film guidelines para matugunan ang cultural and religious sensitivities ng Filipino Muslim.

 

BATANG QUIAPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with