Bongga ang mga announcement ni NET25 President Caesar Vallejos kamakailan sa piling media. Bukod sa mga newly-launched shows this 2023, busy rin ang network sa pre-production stages ng mga bagong palabas. Kasama rito ang launch ng public affairs program ni Sen. Tito Sotto, this February entitled Reality Check.
“Ipinangako namin na for Tito, Vic and Joey, NET25 is their newest home. And we’re very happy that (the) three of them (will) have their specific programs on NET25,” ang sabi ni Vallejos.
In-announce rin ng bagong NET25 President na magkakaroon sila ng youth-oriented variety show entitled Kada-25.
“I’m sure you remember That’s Entertainment. We wanted to innovate that concept,” banggit pa ni Vallejos.
Malaking tulong aniya na content consultant ng NET25 ang batikang entertainment producer na si Wilma Galvante, lalo pa’t ang layon ng Kada-25 ay mag-discover ng bagong talents.
Bukod sa naturang show, patuloy ring maghahanap ng fresh talents ang NET25 with their other shows. Mayroon silang NET25 Star Center na pinangungunahan ni multi-talented artist, Eric Quizon.
“They have a group of fresh. diverse talents. Some of them may have appeared on TV before, but some are really fresh,” dagdag ni Vallejos.
Nitong February, nagsimula nang ipalabas sa NET25 ang talk show ng tinaguriang Reyna ng Kalsada na si Love Añover entitled Love and Everythaaang. Si Love ay dating reporter ng GMA 7 at nakilala siya dahil sa kanyang unique style of reporting.
Mukhang marami pang niluluto ang Net25, at nabanggit ni Vallejos na maglalabas din sila ng mga pelikula this year. Sa ngayon, parang pigil pa ang pag-announce ng NET25 President pero makikita mo ang excitement sa kanya para sa mga darating pa nilang shows and projects.