Sam at Catriona, engaged na!

Sam Milby at Catriona Gray

MANILA, Philippines — Engaged na si Sam Milby at ang girlfriend nitong si 2018 Miss Universe Catriona Gray. Halos sabay nilang in-announce sa kanilang social media account kahapon, Feb. 16, ang kanilang engagement kung saan ipinost nila ang parehong litrato na hawak nila ang mga baso na may nakalagay na “Mr. Milby” at “Future Mrs. Milby.”

“I (FINALLY) put a ring on it! I love you my forever koala... now my fiancé,” caption ni Sam. Matapos ang ilang minuto ay kinumpirma rin ito ng beauty queen at nag-post na may caption ng “Living in an answered prayer with my best friend. I love you, fiancè (eeeeee).” Pinost din niya ang litrato nila kung saan lutang ang malaking bato sa singsing niya na may caption na: “Our best chapter yet.”

Inulan sila ng pagbati mula sa mga kaibigan at tagahanga. Ayon sa kanila ay matagal nilang hinintay ito at ngayon ay masaya sila para sa magkarelasyon.

Samantala, ilang buwan na ring usap-usapan na engaged na ang dalawa at may mga nagsasabing kasal na sila pero tinawanan lang ito ng singer-actor. Itinanggi niya ito sa isang interview at sinabing assumptions lamang ito ng mga tao. Inamin naman nito na napag-uusapan na nila ang kasal dahil sigurado na siyang si Catriona na ang pakakasalan niya.

Show comments