Jessica parang ‘di nag-retire, tuloy ang pamamayagpag

Isa ang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa mga programa ng GMA na naka-adjust sa digital era.
Big hit lagi ang episode ng programa ni Jessica Soho whether on television or on social media. Nagtapos ito noong 2022 bilang isa sa mga pinakapinapanood na Kapuso shows sa Total Philippines (data ng Nielsen TV Audience Measurement mula Enero hanggang Disyembre 2022).
“We’re grateful that KMJS still is, the favorite storyteller of Filipinos across all demographics and across all platforms on TV and social media. Thank you to all our viewers and followers. We promise to continue sharing stories that not only reflect who we are as a people but also inspire and help as many people in need, as possible,” pahayag ni Ms. Jessica.
At para sa taong 2022 umabot din sa 4.7 billion views ang programa sa iba’t ibang social media accounts.
Ayon sa kanilang record, the show recorded over 2.3 billion views sa Facebook. Habang sa YouTube, kung saan isa pala ito sa main drivers of traffic to GMA Public Affairs’ YouTube channel, umabot sa 1.1 billion views ang KMJS habang 1.3 billion views sa TikTok.
Isa rin ito sa most followed local TV programs across various social media platforms with over 37.2 million followers on Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok.
On top of these social media numbers, KMJS remains one of the most awarded shows in the country.
Bongga rin si Ms. Jessica na kahit na nga nag-retire siya technically, hindi naapektuhan ang kanyang programa.
- Latest