Naalala niyo pa ba ang former Dabarkads ng Kapuso noontime variety show na Eat Bulaga na si Julia Clarete?
Naaksidente pala ito nang mahulog siya sa isang skateboard noong December last year. Kaya naman nagpapagaling pa ito matapos ang kanyang leg surgery.
Kaya naman marami ang nag-alala sa kanya. Bumuhos din ang mga dasal at words of encouragement mula sa kanyang mga kaibigan at mga tagahanga.
Sa latest update niya, makikita na ang unti-unti niyang paggaling. Nakikita na na nagagamit na niya ang kanyang kanang binti matapos ang isang buwan nang sumailalim siya sa operasyon. Talagang pinagtitiyagaan niya ang kanyang therapy para muling mailakad ang binti. Halata sa mukha nito ang hirap at sakit tuwing ginagalaw niya ang kanyang binti.
Dahil sa tiyaga, sinabi rin nito na wala na siyang brace at tuluy-tuloy na ang kanyang mabilis na paggaling. Bongga.
NET 25 at Korean channels, nakaka-survive kahit walang commercials!
Hindi ko alam kung paano nagsu-survive ang KIX at KBS World channel. Dito ako watch ng mga K-drama kaya nagtataka ako surviving siya kahit walang ads.
Ang Net 25, alam natin financially secure kahit walang commercials, pero ang Korean channels paano naka-survive all these years kahit wah commercials? Bongga sila ha, tuluy-tuloy programming walang commercials kundi in house programming lang, ang yaman ng network ha.
Kaya hayan, addict na naman ako ng mga Koreanovela dahil sa dalawang channel na walang intervention ‘pag nanood ka. Bongga.