Sharon at Jackie Lou, naibalik ang dating relasyon

Sharon Cuneta at Jackie Lou Blanco

Mas bet pa rin namin ang positibong kuwento ng magandang friendship sa showbiz!

Kagaya nitong magandang pagkakaibigan nina Sharon Cuneta at Jackie Lou Blanco.

Ang saya ni Jackie Lou na nag-celebrate ng kanyang kaarawan nung nakaraang Sabado.

Kasabay ng kanyang birthday celebration, ini-release sa Spotify, Deezer at Apple Music ang kanyang bagong recording ng kantang FRIENDS ni George Canseco na may participation si Megastar Sharon Cuneta.

Ang laki ng pasasalamat ni Jackie Lou sa magandang ginawa ni Sharon sa kanyang pagbabalik-recording.

“Sabi ko nga sa kanya that we may not have what we have lost when we were younger sana, but with our reconnection, which is one of my biggest gifts this time, we can have something more and be better,” pahayag ni Jackie Lou sa kanyang bagong manager na si Noel Ferrer.

Nung araw ding ‘yun ay inilabas ni Sharon sa kanyang YouTube channel ang special music video nito na birthday gift niya kay Jackie Lou.

Sabi ng Megastar: “It’s been 40 years since I recorded this as the theme song of Jackielou’s and my movie Friends in Love, with our co-stars William Martinez and Rowell Santiago. She was nineteen, and I, seven­teen. So much had happened in our own separate lives since then, but somehow, we lost the chance to be there for each other.

“I’ve always said that life has a way of stealing things, moments...and people from you. Add to that that the industry we have both been a part of for most of our lives is nothing short of complicated that even individual personal time has always been elusive. Somehow, God has brought us together again. And we are more than grateful for our renewed friendship.

“With this song, now exclusively about just friends without the “in love” part (I know the great Tito George Canseco who wrote this song didn’t mind when I tweaked the words a bit) - no boys involved now, just two girls who have grown into women, now battle-scarred and hopefully, wiser - and always - filled with hope - we pray that our song (well, Jacqui’s version with me as her support) touches your hearts, brings back good memories of your years gro­wing up shared with us two - our history together with you all.”

Isa si Jackie Lou sa special guests sa Valentine Concert for a Cause ng magaling na singer na si Arman Ferrer na gaganapin sa BGC Arts Center sa Feb. 14.

Celeste, tututukan na ang showbiz?!

Sa pag-aartista talaga ang ending ng beauty queens natin lalo na’t kung hindi naman sila nagkaka-title sa international competition na sinalihan nila.

Ang pobreng Celeste Cortesi ay nag-trending sa Twitter nung finale episode ng Darna, dahil sa special participation niya sa naturang fantasy series.

Siya ang gumaganap na Reyna ng Marte.

Ang kantiyaw tuloy ng ilang netizens, kaya hindi raw nagwagi sa Miss Universe, dahil siya pala ang Reyna ng Marte.

Pero ewan ko lang kung magpu-focus si Celeste sa showbiz dahil hirap pa siyang mag-Tagalog.

Ilan pa sa beauty queens na pinasok na rin ang pag-aartista ay ang Miss World-Supranational 2021 na si Dindi Pajares, at ang Miss World 1st princess Riana Pangindian.

Ilulunsad sila sa pelikulang Without You nina David Licauco at Shaira Diaz na magsu-showing na sa Feb. 15.

Sa nakaraang mediacon ng Without You, tinanong namin sina Dindi at Riana kung sino ang type nilang makasama sa mga future projects nila at kung ano ang tipo ng role o projects na gusto nilang gawin..

Medyo kinikilig pa si Dindi na sinagot kami kung sino ang gusto niyang maka-partner kung sakaling may gagawin silang series o movie projects.

“Ang cute kasi ni Ruru (Madrid)! Si Lolong! And si Kelvin Miranda. Feeling ko bagay kami,” kinikilig pang pahayag ni Dindi.

Okay naman daw siyang magpa-sexy, pero may ilang limitations lang.

“Hindi naman ako choosy sa mga roles. Flexi­ble naman ako. Wala akong maraming restrictions. But as much as possible, mag-a-accept ako ng mga offers na acceptable sa eyes ng parents ko.

“So, okay na magpa-sexy pero may limits,” sabi pa ni Dindi.

Si Riana ay aminado  namang crush niya si Jericho Rosales. “Long-time crush ko ay si Jericho Rosales.

“Matagal ko na siyang ina-admire as an actor. You know…yeah! Physically, very cute din si Jericho Rosales,” bulalas ni Riana.

Gusto raw sana niyang subukan ang aksyon, pero depende rin daw sa ALV kung ano sa tingin nila ang nababagay sa kanya.

Show comments