^

PSN Showbiz

Jelai Andres hindi pa inuurong ang demanda sa dating asawang rapper

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jelai Andres hindi pa inuurong ang demanda sa dating asawang rapper
Jelai
STAR/ File

Na ‘on the spot’ ang kilalang rapper at miyembro ng Ex Battalion na si King Badger nang mag-guest siya sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes.

Nagpu-promote si King Badger ng post-Valentine concert nilang Black Valentine na mapapanood sa Music Museum sa February 15.

Kinumusta namin sa kanya ang ex-wife niyang si Jelai Andres.

Umakyat kasi ang kasong isinampa ni Jelia laban sa kanya, pero hindi lang siya puwedeng magsalita tungkol sa kaso.

Aminado siyang hindi pa talaga sila okay, dahil sa kasong isinampa ni Jelai sa kanya.

Ito yung Concubinage at Violation Against Women and Children o RA 9262.

Gusto raw sana niyang maayos na ito at maging okay na sila ni Jelai. “May cases akong hinaharap against my wife.

“Obviously, as a man I’m still trying to fix it. So, yeah!

“But siguro time will heal all wounds parang ganun,” matipid na sagot ni King Badger o si Jon Gutierrez.

Nagkikita raw sila minsan sa hearing at binabati naman daw niya si Jelai.

“Parang nagsisimula kami sa zero na. Hi Mommy, sabi niya hi. Sa ngayon, on papers we’re still husband and wife. I mean, technically we are still married.

“I think, hopefully one day, hindi naman sa ano…I’m not forcing her. But, hopefully one day,” pahayag pa niya.

Masaya raw siya para sa estranged wife na gumaganda ang career at namamayagpag ito bilang vlogger.

“I am very proud na I’m a part of her journey dun sa career niya, sa lahat nang natatamo niya ngayon, I’m proud.

“I would never stop her from what she’s doing right now. Iyun nga po, I’m happy for her,” sabi pa ni King Badger.

Makakasama niya Black Valentine ang ilan pang rappers na sina Smugglaz, JROA, Crazymix at Sisa.

Ruffa, inapi ang picture sa Marty…

Mamayang hapon sa Korina Interviews sa Net 25 ay ang Quizon Brothers na sina Eric, Epy at Vandolph Quizon ang makakapanayam ni Korina.

Na-enjoy namin ang nakaraan niyang interview kay Isko Moreno.

Ipinakita roon ang ipinatayong production house ni Isko na tinawag niyang Scott Media na matatagpuan sa Bonifacio Global City.

High-end ang mga gamit nito at seryoso siya sa pinasok niyang venture pagkatapos niyang pansamantalang iwan ang pulitika.

Bale nagbabalik lang daw siya sa showbiz na pinanggalingan niya.

Merong online show si Isko na Iskovery Night, at itong Scott Media rin ang nagpu-produce ng Marites University ng mga kapatid naming entertainment press na sina Kuya Jun Nardo, Rose Garcia at Ambet Nabus.

Happy si Isko sa bagong career bilang content creator, lalo na’t nakakasama niya sa production ang mga anak niya.

“Dito na muna ako. With the help of my team, tingin ko dito na kami.

“I have to make a living. I have to move on with our lives. Grateful also that I get to spend more time with my family,” sabi niya kay Korina.

Nakakapag-public service naman daw siya sa pagiging content creator.

“Nandun kami sa stage ngayon..we continue to create and create, and hopefully someday we can make a living out of it. And provide opportunities sa ibang tao,” dagdag niyang pahayag.

Buong-buo ang interbyung iyun ni Korina na kung saan sinimulan nila sa pinanggalingan ni Isko sa Tondo.

May special participation pala si Isko Moreno sa Martyr or Murderer na kung saan siya ang gumaganap bilang si Ninoy Aquino.

Napansin namin sa poster ng naturang pelikula na special participation siya sa billing. Pero ang laki ng litrato niya sa layout kasama sina Cesar Montano bilang si Ferdinand Marcos at si Cristine Reyes bilang si Sen. Imee Marcos.

Kaya lang bakit nasa gilid lang at maliit ang litrato ni Ruffa Gutierrez bilang si Imelda Marcos.

Di ba dapat katabi at kasinlaki niya ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at Sen. Imee?

Malaki ang pangalan ni Ruffa sa taas, pero kapirangot ang litrato sa poster at nasa tabi lang.

Tinanong nga namin ang kampo ni Ruffa, pero ayaw naman nilang mag-comment. Kahit daw si Tita Annabelle ay ayaw na rin munang magsalita.

Pero sana naayos ito ng Viva, dahil malaki naman ang role dito ni Ruffa at special participation lang dito si Isko.

vuukle comment

DZRH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with