^

PSN Showbiz

Angel pinalitan ni Jane sa kanyang endorsement, aktres hinanap sa binyag ng anak ni Angelica

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Angel pinalitan ni Jane sa kanyang endorsement, aktres hinanap sa binyag ng anak ni Angelica
Angel Locsin

May mga naghahanap pa rin kay Angel Locsin.

Matagal na itong walang paramdam sa social media.

Maging ang mister niyang si Neil Arce ay hindi rin nagpo-post.

Last Aug. 1 pa ang huling Instagram post ni Angel.

Pero merong post sa kanyang Facebook account though hindi raw mismo ang actress ang nagha-handle nito, meron siyang administrator.

May mga gusto raw sanang mag-interview rito pero hindi nga raw sumasagot ang actress.

Napagkuwentuhan si Angel nang lumabas sa social media platforms recently ang endorsement ni Jane de Leon sa isang fast food chain na si Angel ang pinalitan niyang endorser.

Absent din sila sa binyag ng anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Malapit na magkaibigan sina Angel at Angelica.

Ang huling intriga kay Angel ay tungkol sa paghihiwalay diumano nilang mag-asawa. Pero nabura rin ito nang mag-post si Neil na hindi totoong hiwalay na sila.

Nauna na naming naisulat na nagpaplanong bumili ng bahay sa ibang bansa sila Angel.

Ang aktres ang isa sa mga naging lider sa kampanya noon ni dating VP Leni Robredo.

Sikat na actress, hindi na exclusive sa kanyang network!

Hindi na raw ni-renew ang contract ng isang sikat na actress ng kanyang network. Freelancer na raw ito sa kasalukuyan at magkakaroon ng   programa na ipalalabas sa ibang network – blocktimer.

Sa nasabing network sumikat ang actress. Ang sabi, per project na lang ang agreement ng actress at ng network.

Pero wala raw nasunog na tulay kumbaga, gagawa pa rin ito ng programa sa nasabing network pero hindi na exclusive.

Bukod sa actress, meron din daw isang actor na medyo veteran na ang hindi na rin ni-renew ang contract ng nasabing network.

Kung sabagay, freelancer na yata kasi talaga ang uso ngayon.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with